<Tracy's POV>
Magpapatutor daw siya sa akin! Shocks medyo kinikilig parin ako hanggang ngayon. Ay hala Tracy! Ang landi mo! Tsk papatutor lang eh! Uwian na pala namin ngayon.
"Hoy! Tulala ka nanaman!"
"Ay deputek ka Kent!"
Opo! Si Kent yan at yes po di kayo nagkakamali close na po kami niyan.
BEAST Friends nga kami eh...
"HAHAHAHAHA nakakatawa talaga yang mukha mo pag nagugulat!"
Hinampas ko nga! Nangaasar na naman ang mokong eh!
"Ano pa bang bago dun? Eh nakaka tawa naman talaga ang mukha ko ah?"
"Masakit yun ha! Pero HAHAHAHAHA mas pangit pag nagugulat ka pffffftttt HAHAHAHAHA"
"Wow! Ang saya mo ha! Sige itawa mo lang yan hanggang sa mamatay ka na! Che!"
Mag wawalk out na sana ako kaso pinigilan niya ako.
"Uy joke lang bes! Pfffttt to naman di mabiro"
Umupo ako sa tabi niya ulit at tinignan siya ng masama.
"Paano kita papatawarin kung nagpipigil ka ng tawa diyan! Lumayas ka na nga!"
"Pffftt okay okay, *clears throat* Sorry na" Sinabi niya yan pero halatang natatawa pa rin siya kaya di ko siya pinansin.
"Kung ayaw mong lumayas ako na lang talga ang aalis!"
Kinuha ko na yung mga gamit ko at nagsimula ng maglakad. Bwisit siya di niya man lang ako habuli---
"Uy sorry na bes! Joke lang naman yun eh! Sorry na please"
Napatigil ako sa paglalakad at syempre nagulat.
Paano ba naman bigla na lang may yumakap sa akin habang nakatalikod ako.
Pianagtitinginan na nga kami ng mga studyante.
Tinanggal ko yung kamay niya at tinulak siya palayo sa akin.
"YUCK! BES! Nakakadiri ka!"
"WOW! If I know kinikilig ka nanaman diyan! Baka mamaya may nararamdaman ka na pala sa akin ha! Sabihin mo lang! Tsk"
"Susuka na---" Di ko natuloy yung sasabihin ko dahil bigla niyang kinuha lahat ng gamit na hawak ko.
"Gabi na! Uwi na tayo. Tutulungan na kitang magbuhat! liliit ka lang lalo HAHAHA"
Susunod na sana ako sa kanya nang biglang may bumangga sa kanya.
At pagtingin ko si Stephen pala yun.
"Pare! Nananadya ka ba?!"
"Ah pasensiya na pare"
Linagpasan niya si Kent at lumapit sa akin. Buti na lang walang tao dito.
"Schedule ng session natin ngayon, diba dapat nasa library ka na? Nasaan na yung mga ga---"
Naputol ni Stephen yung sasabihin niya ng biglang may humila sa kanya.
"Bastos ka pare ha?"