Two

8 0 0
                                    

<Tracy's POV>

"Wow! Ang ganda naman ng school na to!" Manghangmangha kong sabi. 

Patuloy lang ako sa paglalakad ng biglang may bumangga sa akin. 

"Ay TAE!~" at napaupo ako sa semento saba'y ng pagkalat ng mga gamit ko sa semento rin. Malamang ano ba Tracy magisip ka nga!

"Ay ay sorry miss...Nagmamadali kasi ako eh" sabi ng isang lalake habang pinupulot niya ng mabilis ang mga gamit ko.

Sabay alok sa akin ng kamay niya para makatayo ako.

"BAKIT KASI DI KA-----palang tumuloy sa pupuntahan mo kuya kaya ko naman to eh." Di ko na inabot ang kamay niya at tumayo na lang bigla. 

Grabe! Ang gwapo niya! Shocks makalaglag brief joke panty! 

"Ah ganun ba sige salamat. Uhm sorry. Ito pala gamit mo sorry talaga miss babawi na lang ako next time. BYE!" 

At sa ginawa niyang yun feeling ko nataihan ako ng ibong adarna at bigla akong naging bato! Ang gwapo niya talaga! SOBRA! AS IN! SUPER DUPER TO THE MAX! 

 Nabalik na lang ako sa katinuan nung pinagtitinginan ako ng mga tao. Sh*t nakanganga pala ako. Nakakahiya kaya naman nagsimula na akong maglakad upang hanapin ang SAO office para malaman ko na rin mga Schedule ko.

"OMG! Sino siya bagong janitor?" Girl 1

"HAHAHAHA sis! Kung siya ang janitor natin baka bigla siyang mawala!" Girl 2

"Ha? anong ibig mong sabihin?" Girl 1

"Mapagkakamalan niya kasing basura yung sarili niya baka maitapon niya pa. HAHAHAHAHA" Girl 2

And they both laugh. Ang saya nila no? Bago ako pumasok ng SAO office nginitian ko na lang sila ng pilit, ngiting aso ba. Makapanglait naman ang mga to! Ni wala nga sila sa kalahati ng ganda ng kambal ko! HMP! Kalbuhin ko kayo diyan eh! 

"Sige Mr. Yoon. Keep up the good work! Panatilihin mo ang grades mo ha?"

"YES DEAN! MARAMING SALAMAT PO! Alis na po ako." Sigaw ng isang lalake na parang nanalo ng loto.

"Hi!" Sabi niya sa akin ng nakangiti atsaka lumabas ng office.

Grabe bat ganun? Talaga bang kailangang puro gwapo yung mga lalake sa paaralang ito? 

"Ms. Montereal? You may sit."

"Ah eh. Hehe. Thank you po."

Umupo na nga ako sa harap ng desk ng dean syempre alangan naman sa kandungan niya. HAHAHAHAHA.

So matapos niyang sabihin ang rules and regulations ng school at ng mga schedules ko syempre namasyal na muna ako para maging pamilyar sa bagong school ko. Kahit na minsan ramdam kong pinaguusapan ako ng mga nadadaanan ko kasi nga first time nilang makasalubong ng maganda joke ng pangit pala. Pagkatapos nun umuwi na din ako.

<Sabrina's POV>

"OMG! Sino siya bagong janitor?" Girl 1

"HAHAHAHA sis! Kung siya ang janitor natin baka bigla siyang mawala!" Girl 2

"Ha? anong ibig mong sabihin?" Girl 1

Anong ka echosan nanaman ang pinaguusapan ng mga tsismosang babaeng to? Pagkasilip ko. Nagulat ako sa nakita ko! BAKIT SIYA NANDITO?!  HUWAG MONG SABIHING DITO RIN SIYA MAG-AARAL?!

REVENGE .Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon