INTRODUCTION 2.

21 1 1
                                    

 <Sabrina's POV>

"Babes! Pakiss naman diyan oh! Sige na dali dali!!" sabi ni Stephen habang dinidikit ang katawan niya sa maganda kong katawan.

"Stephen! Ano ba! Tumigil ka nga! Ang dumi dumi mo! Huwag na huwag kang didikit sa akin!" Sigaw ko sa kanya. Eeew! Ang lagkit niya kaya at ang baho baho pa.

"Grabe ka naman! Ang bango ko kaya! Alam mo bang sa Paris ko pa binili tong pabango ko! Kaya huwag mo akong niloloko! Siguro nahihiya ka lang sa akin kasi may feelings ka sa akin no? Okay lang yan! The feeling is mutual." Linya niya yan na nagdala ng malakas na hangin. 

"Alam mo ikaw talaga ang sanhi ng hanging habagat! GRABE! Anlakas ng hangin! Gusto mo hampasin kita ng upuan? Ha?" Sigaw ko sa kanya. Sa totoo lang mahahampas ko na talaga tong nilalang na to kung di lang dumating si Shane.

"Oh!! Nag-e-LQ nanaman kayo tama na muna yan! Mag ta-time na. Umalis ka na diyan papa Stephen!" Singit nito para matigil na ang pagatatalo namin.

"Alam mo okay na sana eh! May LQ lang na nasama! Kaibigan ba talaga kita?" Tanong ko kay Shane. 

"Eto naman di man lang mabiro! Papa Stephen umalis ka na at baka sumabog ang bulkan." Sabi ni Shane kay Stephen na sinunod naman ni Stephen. 

"Oh yan wala na. Ikaw girl matanong ko nga akala ko ba gusto mo ng gwapo at hot na boyfriend? Eh bat ayaw mo kay Stephen? Eh nasa kanya na lahat!" Bulong niya sa akin.

Hindi naman ako kumukontra sa sinasabi ni Shane.

Na kay Stephen na nga ang lahat. Gwapo, mayaman at hot pero di ko alam kung bakit ni minsan hindi ako nagkagusto sa kanya.

Ewan ko dahil siguro sa bobo siya, bully, bwisit, gago, mayabang at mabisyo. Maaring yun na nga ang dahilan kung bakit.

At ako, si Sabrina Stacy Montereal o "Sab" for short, na matagal na niyang nililigawan mag tatatlong  taon na ata since first  year pa kasi nung umamin siya sa akin. Pero sa tatlong taon na iyon kapatid lang ang tingin ko sa kanya.

Aaminin ko nung una pinilit kong i-entertain siya pero wala eh. Nakipagbreak din ako agad.

Akala ko aatras na siya pero hindi eh sabi niya willing daw siyang maghintay kahit gaano katagal. Okay lang daw na kahit mag bestfriend muna kami. Kaya pumayag na lang ako. 

"HOY! Ano na sis? napaisip ka? Kayo na kasi! Perfect couple kaya kayo! Atsaka antagal na niyang nanliligaw! sinundan ka pa niya oh! Sige na! Iiiiihhhhh bagay talaga kayo." Sabi ni Shane sa akin habang kinikilig at hinahampas ako na parang nakita ang  KathNiel.

"Tumigil ka! Inaantok ako! Patulugin mo ako! Kahit saglit lang!" Sigaw ko sa kanya.

Pero huli na ang lahat dumating na ang teacher namin kaya umayos na kaming lahat.

Matapos ang isang nakakapagod na araw na halos wala naman akong naintindihan. Sa wakas uwian na!!! 

"Sis! Tara bar muna tayo?" Aya sa akin ni Shane.

"Matatanggihan ko ba yan? Tara na dali!!" Sabi ko dahil naexcite ako ng masyado sa narinig ko. 

Habang nasa bar kami syempre nag-enjoy ako ng nag-enjoy sa pagsasayaw at sa pag inom ng wine.

Pero hindi ako nagpapasayaw sa mga lalake ha? Like duh? Why would I do that? Kung alam kong may mga germs silang dala sa katawan. Eeww!

Hindi ako katulad ng mga iniisip niyo na nakikipaglandian sa kung sino sinong mga lalake ha? NO and never will I do that thing. Call me bitch! But not slut! Cause I'll surely break your ribs!! 

"Babes! Nandito ka pala? Tara sayaw tayo!" Sabi ni Stephen sa akin. Ay takte nandito nanaman tong bwisit na to! 

"Tigilan mo ako! Sh*t! 9:00 na! Aalis na ako Stephen! Pakihanap na lang si Shane at pakisabi nauna na ako. Pakihatid na rin siya ha? Di niya kasi dala car niya. Thank you! Bye!" Pagpapaalam ko sa kanya.

"Sure babes as you wish! Mag-ingat ka! I love you." Pahabol na sigaw niya. 

 Eeew! Kadiri! Maka-uwi na nga.

Pagdating ko sa bahay pinark ko na agad yung sasakyan ko.

"Ma! Nandito na po ako." Sigaw ko habang sinasara ko ang pinto. Pagharap ko...

*PAK!!!*

"FVCK!" Sigaw ko dahil sa sobrang gulat ko.

"WALANG HIYA KANG BATA KA? BUTI NA LANG AT UMUWI MUNA AKO. GAWAIN BA YAN NG ISANG DALAGA? ANG UMUWI SA GANITONG ORAS? WALANG HIYA KA!" Sigaw ni Dad at akmang hahampasin nanaman sana ako.

"HON! TAMA NA YAN HUWAG MONG SAKTAN SI STACY. DAD! TAMA NA!" Sigaw ni Mommy na napapaluha na sa takot.

"DAPAT SA BABAENG ITO DINIDISIPLINA PARA MAGBAGO ILANG BESES NA BA NIYANG GINAGAWA ITO? HINDI BA DAPAT ALAS SAIS PALANG NAKAUWI KA NA? AT..." Sigaw ni Dad.

"Excuse me po Dad. Tapos na po kayong manermon? Aakyat na po ako ha? Medyo napagod po ako eh. Thank you po sa pasalubong. Nakarating na pala kayo dito. Sana nagpasabi muna kayo para nakaprepare kami ng fiesta. Sige po akyat na po ako." Sagot ko sakanya.

"ABA'T NAMIMILOSOPO KA PA HA?" ~ Dad

"HON! Ano ba hayaan mo na muna siyang magpahinga bukas na lang kayo magusap."

"WALANG HIYA KANG BATANG YAN MANANG MANA SA TATAY!!!" Sigaw ni Dad habang umaakyat ako ng hagdanan papunta sa kwarto ko.

"What? Pls dad. Huwag na huwag mo akong kinukumpara sa tatay ko! Magkaroon naman po sana kayo ng respeto!" Napatigil ako sa narinig ko kaya di ko napigilan ang inis ko. Pero pagkatapos kong masabi iyon tumalikod na ako at pumasok sa kwarto ko.

Bago pa ako makapasok ng tuluyan narinig kong sumisigaw siya sa labas.

Pumasok ako sa kwarto ko at binalibag ang pinto.

Sa sobrang dami na ng luhang nagbabadyang tumulo sa mata ko natabig ako sa may cabinet ko at nadapa sa sahig. Matapos kong dumapa umupo ako at sumandal sa pader habang umiiyak. At isinsara ko ng mahigpit ang kamay ko dahil sa galit ko.

Nararamdaman ko na ang sakit dahil sa bumabaon na ang kuko ko sa palad ko. Pero di ko pinapansin dahil walang wala to sa sakit na nararamdaman ko ngayon.

"AHHHHHHHH! KASALANAN MONG LAHAT TO!!! WALA KANG KWENTANG AMA!!!" Walang kwenta ang totoong tatay ko!! wala siyang kwenta!

"BABY!! ANAK! OPEN THE DOOR!! PAGPASENSYAHAN MO NA ANG DADDY MO. MAINIT LANG ANG ULO NIYA. BABY PLEASE OPEN THE DOOR."

Mainit lang ang ulo niya?? What?? lagi namang mainit ang ulo noon ah anong pinagkaiba? Sa tuwing umuuwi ako dito sampal at sabunot ang inaabot ko. Anong bago doon? ./.

"MOMMY PLEASE PLEASE LEAVE ME ALONE! AND PLEASE NOT NOW!" Sigaw ko sa kanya sabay takbo ko papuntang kama ko at saka nagtalukbong. Ayokong marinnig ang ingay na nagmumula sa labas.

Kasalanan tong lahat ng kambal ko. Kung siya lang sana ang nandito. Edi sana hindi ako umiiyak ngayon at hindi ko nararanasan ang impyernong ito. Edi sana masaya ako sa piling ng aking nanay at lola. Humanda siya! Magkatagpo lang kami ng landas papahirapan ko siya.

HUMANDA KA SAMANTHA TRACY!!! 

---

"ANAK PLS! OPEN THE DOOR BABY PLS!"

*TOK TOK TOK*

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

A/N:

Sorry po medyo tinamad na akong mag update busy po eh. Uhm tutuloy ko na lang po siya kahit wala pa naman akong readers hahahahahahahahaha.

~Softmallows^^

REVENGE .Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon