INTRODUCTION 3.

18 0 0
                                    

<Stephen Payne's POV >

"Babes! Pakiss naman diyan oh! Sige na dali dali!!" Sabi ko kay Stacy my babes. Haaayyy... Ano ba bang wala sa akin? At hanggang ngayon kapatid parin ang tingin niya sa akin? 

"Stephen! Ano ba! Tumigil ka nga! Ang dumi dumi mo! Huwag na huwag kang didikit sa akin!" Ouch! medyo masakit yun. Okay lang...

"Grabe ka naman! Ang bango ko kaya! Alam mo bang sa Paris ko pa binili tong pabango ko! Kaya huwag mo akong niloloko! Siguro nahihiya ka lang sa akin kasi may feelings ka sa akin no? Okay lang yan! The feeling is mutual."

Nagbiro na lang ako kahit na medyo natapakan ang ego ko dun. Okay lang na matapakan ang ego ko basta siya lang ang tatapak. Tsk! Sweet ko ba? Gusto niyo bang kayo na lang ligawan ko?

Joke! Hahahahaha hinding hindi ko ipagpapalit si Stacy kahit kanino kahit na ganyan ang ugali niya medyo masama. Eh sa mahal ko siya eh wala tayong magagawa. 

"Alam mo ikaw talaga ang sanhi ng hanging habagat! GRABE! Anlakas ng hangin! Gusto mo hampasin kita ng upuan? Ha?" Sigaw niya sa akin.

May sasabihin pa sana ako kaso biglang dumating si Shane.

"Oh!! Nag-e-LQ nanaman kayo tama na muna yan! Mag ta-time na. Umalis ka na diyan papa Stephen!" Sabi niya habang naglalakad palapit sa amin.

"Alam mo okay na sana eh! May LQ lang na nasama! Kaibigan ba talaga kita?" Asar na sabi ni Stacy.

"Eto naman di man lang mabiro! Papa Stephen umalis ka na at baka sumabog ang bulkan." Sagot nung isa.

At ayun oh pinapalayas na ako. Umalis na lang ako ng di nagsasalita. Baka kasi magalit sa akin si Stacy mukhang mainit ang ulo.

Umupo ako malapit sa kanya para makita ko siya. Nakikita ko siyang nakikipagtalo at kahit na naka-kunot ang noo niya napakaganda parin niya. Grabe nagpapasalamat talaga ako sa magulang niya dahil sa binuo nila ang babaeng ito.

Hinding hindi ako magsasawang titigan siya kahit 24/7 pa. 

 "Pare nakatitig ka na naman sa future mo. Tsk! lakas ng tama!" Sabi mg kabarkada kong si Klyde.

"Tsk! Eh wala pare eh kahit siguro maghubad pa si Anne Curtis sa harap ko siya parin ang pipiliin ko." Sabi ko habang nakatitig sa babaengpinapantasya ko.

"Ang korni mo pare! Tsk! Asa! Tulog muna ako ha." Sabi ni Klyde atsaka natulog sa tabi ko kahit kelan talaga.

"Pektusan kita diyan eh! TSK!" Sabi ko sa lalakeng katabi ko.

Haaayyy.... Sabrina Sabrina Sabrina! Kailan mo kayo ako mamahalin tulad ng pagmamahal ko sayo. May future kaya talaga tayong dalawa? O ako lang ang nag-a-assume? 

Kahit 50 taon pa siguro ako maghintay gagawin ko. Malakas na kung malakas ang tama ko sa kanya. Siya lang naman ang babaeng una at sa tingin ko'y huli kong mamahalin. Tsk! nagiging corny na ako dahil sa letseng pag ibig.

Ay oo nga pala ako pala si Stephen Payne na matagal ng nanliligaw kay Stacy at hibang na hibang sa babaeng mala anghel na tulad niya. Sa totoo lang nung nasa 1st hanggang 3rd year ko sa high school pa lang ako nanliligaw at lahat ng babae inggit na inggit kay Sabrina dahil grabeng effort na ang nasayang ko sa kanya.

At noong elem ako babaero ako! Oo Maniwala kayo sa akin! Grade 3 palang nagkaGF na ako. Huh! Lahat kasi ng babae nagkakandarapa sa akin tsk gwapo ko kasi eh.  

Pero nakilala ko siya nung grade 6 na kami nagbago ang ihip ng hangin natamaan ata agad ako sa kanya. Minsan na lang ako mambabae hanggang sa nagkaroon ako ng lakas ng loob na lapitan siya. 

Nung una inaamin ko sobrang torpe ko.Nalaman kong lilipat siya ng School at sinundan ko siya. At linigawan ko siya ng halos isang linggo lang ata saka niya ako sinagot...

...pero di rin nagtagal isang linggo rin ang tinagal ng relasyon namin. Sa isang linggo na yun ni minsan di ako nangbabae pero letche lang akala ko mahal na rin niya ako. Hindi pala pinagbigyan lang niya ako.

Masakit kasi sa isang linggong iyon minahal ko na siya ng sobra sobra.Sa maniwala man kayo o sa hindi. Doon! Doon ko unang naranasan ang heartbreak na ako ang nagpaparanas sa kababaihan. Masakit pala.

Pero pagkatapos ng dalawang linggo ng pagpahinga ko sa nararamdaman ko sa kanya. Di rin ako nakatiis bumalik parin ako sa kanya.

Di ko kinaya eh.

Kaya ayun sinabi kong kahit sana magkaibigan lang ang maibigay niya sa akin okay na ako. Pinagbigyan rin naman niya ako kahit papaano naging close kami. Akala ko magiging okay lang ako hindi pala mas mamahalin ko lang pala siya lalo.

Ilang taon rin kaming naging super close napagkakamalan na ngang kami. Sana nga. 

Pero parang nagiba ang timpla niya ngayong 4th year di na kami ganoong ka-close. Dati nga halos magkadikit na ang mukha namin sa sobrang close namin. Pero ewan ko kung anong nangyari na sa kanya.

Aaminin ko medyo napaluha ako nung nagbago ang pakikitungo niya sa akin.

Masakit rin kaya.

Pakiramdam ko wasak na wasak ang ego ko. Simula kasi noong bakasyon di na siya nagtetext  at nagpaparamdam.

Kaya naman medyo napapababae nanaman ako pero hindi katulad noon na nakikipagrelasyon mga isang araw lang ganun. Pero syempre di ko pinapakita.

Habang naghihintay lang naman ako sa kanya eh baka kasi mainip ako pero wala siya parin.

Sinubukan ko namang kalimutan siya eh pero wala talaga sa kanya parin ang bagsak ko.

~~~~

Natapos ang isang buong araw na nakatunganga lang ako.

lalapit na sana ako kina Sabrina at ihahatid siya ng narinig kong magbabar daw sila. Kaya imbis na kausapin sila. Sinundan ko sila agad. Syempre kailangan ko siyang protektahan.

nakarating na kami ng bar at pinagmamasdan ko parin siya mula sa malayo. Hanggang sa di na ako nakatiis lumapit na ako. 

"Babes! Nandito ka pala? Tara sayaw tayo!" Sabi ko sa kanya na kunwari kakakita ko lang sa kanya. Pwede na pala akong mag-artista.

"Tigilan mo ako! Sh*t! 9:00 na! Aalis na ako Stephen! Pakihanap na lang si Shane at pakisabi nauna na ako. Pakihatid na rin siya ha? Di niya kasi dala car niya. Thank you! Bye!" Pagpapaalam niya sa akin. Medyo nalungkot ako. okay lang yan hahahahaha. SHIT! Masakit! Kitang kita ang asar sa mata niya.

"Sure babes as you wish! Mag-ingat ka! I love you." Yan na lang ang sinabi ko kahit na masakit. Dapat di ako magpapakita ng kahit anong sakit sa kanya para naman makita niya na seryoso talaga ako ng sobra. 

Gusto ko sana siyang ihatid kaso baka uminit na naman ang ulo niya. Alam ko ugali nun eh. At ayaw kong ginagalit ko siya baka kasi mas lalong mawalan ako ng pag-asa. 

Hinanap ko na agad si Shane at hinatid. Saka ako umuwi agad. 

Pag ka uwi ko higa agad. Wala ng palit palit. Nakakapagod ang araw na to. I mean napagod ang puso at isip ko sa kanya. 

haayy... Sabrina Stacy Montereal! Mahal na mahal talaga kita. 

~~~~

A/N:

Okay here comes the third chappy. Enjoy reading :)

REVENGE .Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon