<Tracy's POV>
Nakarating na ako ng bahay..Hooo! Medyo malayo ata yung pinagpahatidan ko kay Stephen.
Pagpasok ko napakatahimik na bahay. Nakita ko si Sab na nakaupo sa sofa at gulo-gulo ang buhok.
Nakita ko naman si papa na hawak hawak ni mama at halatang galit na galit sa papa.
"Uhm Good eve po, kakarating ko lang po. Sorry medyo nalate po"
"Anak buti at nakauwi ka na. Hindi ka man lang nagtext na magpapagabi ka?" Binitawan ni mama si papa atsaka lumapit sa akin para tulungan ako sa mga buhat ko.
"Ah pasenya na po nawala sa isip ko atsaka po wala akong load"
Bumeso-beso muna ako kay tita atsaka lumapit kay tito para yakapin.
"Anong ginawa mo at napagabi ka?" Tanong sa akin ni tito.
"May nagpapatutore po kasi sa akin. Eh medyo nag-enjoy po kami kami di po namin namalayan yung oras. Sorry po next time magtetext na po talaga ako."
"Ganun ba? Sa susunod magpapaalam ka ha? Sige umakyat ka na muna at magpalit mukhang pagod na pagod ka. Atsaka tayo kakain"
"Sige po tito. Maraming salamat at----"
*slow clap*
"Wow! Isn't it lovely? Parang nanunuod ako ng sine with a happy ending. Kasi sa wakas nakauwi na rin ang pinakamamahal nilang anak. AY WAIT ampon pala..."
"SABRINA!"
"Ow what now dad?! Bakit di mo rin siya sinermonan? Mas late pa nga siyang umuwi eh"
"Maganda ang dahilan kung bakit siya nalate umuwi!"
"Talaga dad? Alam mo ba kung bakit ako nalate umuwi?"
"..."
Anong nangyayare? Nagaaway ba sila?
"well, I'll take that as a yes! Good night guys!"
Kinuha ni Sab yung bag niya atsaka umakyat sa hagdanan.
"Uhm by the way Dad! Next time be fair huh? Para naman maging mabuting ama ka kahit papaano."
♥
<Sabrina's POV>
Pumasok ako sa kwarto ko ng may nanggigilid na luha sa mga mata ko.
UGH! Nagmumukha nanaman akong mahina! Bwisit talaga!
Mangaagaw ka talaga!
"Grabeng buhay to oh! Huh HAHAHAHA"
Nakakatawa talaga tong buhay ko! Pang MMK tsk!
Humiga na muna ako at medyo pinatahan ang sarili ko. Kasi alam kong galit na galit ako sa mundo ngayon. SOBRA! Pag di ko napigilan to baka maisipan kong magpakamatay sayang naman yung plano ko diba?
Gusto ko munang makitang nasasaktan si Tracy.
Lumipas ang isang oras na nakatunganga lang ako at hinahayaang kumawala lahat ng luha ko habang wala pa akong naiisip na bagong plano.