Prologue

25 2 0
                                    

9 years ago

-flashback-

Christia's POV

" Annie, wake up! Wake up! It's already morning"

" Ugh! Zekie just give me another minute. I'm still sleepy."

" Okay, if you insist. It's up to you kung gusto mong makita ang surprise ko o hindi."

0_0 Ano daw surprise? Wehhh.. kaya naman hindi na akong nagdalawang isip na bumangon.

"Anong surprise?" Nakangising tanong ko sa annoying kong bestfriend.

When it comes to surprises, di ako magpapatalo diyan no.

" Di ba gusto mo pang matulog? Sige lang take your time. At isa pa bakit ko naman sasabihin agad sayo, surprise nga di ba?

Tot -_- nagtatampo na naman ang Zekie ko, parang babae. Minsan nga naiisip ko rin na baklita 'tong kausap ko.

" Hehehe. Ito naman nagtatampo agad. Siyempre 'di nako tulog no. Kahit tignan mo pa ang mata ko, dilat na dilat.hehehe." sabay pakita ko sa kanya sa mga mata ko.

" Yuck naman naman Annie. May morning glory ka pa sa mata mo oh kadiri ka talaga."

Hayyy, ito naman kung makapang insulto parang ang linis tuwing nagigising, ehh kung natutulog nga siya parang Maria Christina falls ang bibig niya kasi umaagos yung laway niya.eww mas kadiri kaya siya.

Dahil likas na mabait ako.chos. Change topic na lang ako para hindi ako lalong mapahiya at para makaiwas na rin sa gulo.

" Che! Oyy paano ka naka pasok sa room ko?"

" Dumaan ako sa may bintana"

"Zekie!" Pinandilatan ko siya ng mata kasi naman namimilosopo na naman ehhh.

" hehehe, malamang sa pintuan ako pumasok." Hayy 'di talaga sasagot nang matino. Bilangan ko kaya....

"Isa!" Sigaw ko.

" Kasi sabi ng mommy mo natutulog ka pa atyaka sabi pa niya na gisingin nalang din kita kaya pumasok na ako sa room mo." Walang preno niyang sagot.

Huh! natatakot kasi ang ugok na to kung bibilangin ko siya kasi kapag ginawa ko na ito ibig sabihin nagagalit ako, at ayaw ng isang to na magalit ako kasi para daw akong leon na ninakawan ng pagkain.

" Char! 'Di ka naman nahiya. Kapal talaga ng face mo kahit kailan at kahit saan. Feel na feel mo pa ang pumasok sa room ko nang walang pasabi." Sabi ko sa kanya, kapal talaga ng mukha ng isang 'to.

" Bakit naman ako mahihiya na pumasok sa room mo? Ehh ikaw nga feel at home ka sa bahay namin at isa pa magbestfriends naman tayo."

Ehhh... oo nga naman.

" Hayy sige na nga. Hintayin mo lang ako sandali sa baba maliligo at magbibihis muna ako."

" Bilisan mo ha. Kung gumalaw ka para ka kasing pagong."

" Opo kamahalan!" sarcastic kong sagot kay Zekie.

Kaya naman I prepared and did my morning rituals.

No need na sa akin ang magpaganda kasi sa sabi naman ni mommy na maganda na ako. Hehehe. Simple lang naman ako kasi according to my mommy's words of wisdom 101 'simplicity is beauty'.

Sinuot ko iyong binigay na damit ni Zekie kahapon, isang red and white stripe t-shirt and navy blue shorts with matching white shoes pa. Nakaponytail lang ang buhok ko ngayon.

Forget Me NotTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon