Chapter 1: All About Me

19 1 0
                                    

Christia's POV

-present time-

"You've been saving me for how many times. And everytime I tried to reached you, you will popped out just like a bubble. Please let me see your face right now" pakiusap ko sa lalaking nakatalikod sa akin.

Hay ilang beses niya na akong nasagip pero hanggang ngayon hindi ko pa rin nakikita ang pagmumukha niya.

Bakit niya ba kinakahiya ang pagmumukha niya? Baka naman 0_0 Oh my gulay!..

baka isa siyang beast, kaya natatakot siya na ipakita ang mukha niya sa akin at iniisip niya na baka ipagtulakan ko siya pagnalaman ko ang secret niya.

Naku! Ano to Beauty and the Beast lang ang peg?

Eto na he is slowly facing me. This is it.....Eto na...eto na...

'BOGSHHHH'

Wahhhh!!!!.... 

nagising nalang ako bigla nang naramdamam ko na ang basa basa ko na.

Pagmulat ko tumambad sa akin ang hinayupak na pagmumukha ng kapatid ko habang nakangisi at may bitbit na flower vase.

" Ahh walanghiya ka Louie. Anong ginawa mo?" Pasigaw na tanong ko sa nakababatang kapatid ko.

" Tanga ka ba? Obvious naman na binuhusan kita ng tubig mula sa vase. Kanina pa yan nagriring ang alarm clock mo at sobrang ingay kaya ayun tinapon ko at ako na mismo ang gumising sayo." Paliwanag niya habang nakapokerface lang siya.

Kahit kailan talaga panira ng moment ang isang to.

" Ang ganda naman talaga nang timing mo no? kung saan makikita ko na ang pagmumukha ng prince charming ko sa panaginip ko tsaka ka pa mambwibwisit."  Irita kong pagkasabi.

Ehh kasi naman no konti nalang makikita ko na ang mukha ng lalaki na  nasa panaginip ko.

"Tss.Dapat ka nga magpasalamat sa akin." Sabi niya. Kapal talaga ng mukha ng impaktong to.

" At ano naman ang dapat ipagpasalamat ng isang diyosa sa isang impaktong katulad mo?" Sarcastic na tanong ko.

" Tss.Pasalamat ka at hindi muna kailangan pang maligo dahil pinaliguan na kita. Unang araw ng pasok sa school tapos malelate ka at dadamayin mo pa ako? Huh!" Sabi niya sabay talikod sa akin at lumabas na sa siya kwarto ko.

Hayyy... bwisit talagang impaktong 'yon sarap talagang tirisin.

Kaya bumangon na ako sa higaan at sinimulan ko na ang morning rituals ko.

Pagkatapos kong maligo at magbihis bumaba na ako sa hagdan at pumunta sa kusina para mag breakfast.

" Morning mommy! Morning daddy!" Bati ko sa mga loving parents ko.

Ngayon sila talaga ang inspirasyon ko at siyempre pati si God.

" Good morning din sweetie."  sabi ni mommy habang nagpreprepare ng baon namin.

Itong mommy ko ay isang full time housewife kaya naman bantay sarado kami ng kapatid ko, hindi kami basta-basta naka aalis ng bahay at makapaglakwatsa.

" Oh nasaan ang good sa morning mo swetie?" Tanong ni daddy habang umiinom ng kape.

Ito naman si daddy ay isang bussiness man. Busy sa work pero nakakafind time rin naman siya para makapagbonding sa amin.

" Hayy naku dad! hindi good ang morning ko dahil sinira lang naman ng isang niyan ang umaga ko."* pout* Tukoy ko kay Louie. Tapos inirapan lang ako. Hala! Ang bastos lang ng batang to.

Forget Me NotTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon