Phoebe's POV
" Yeah Ryan, oo nakapag- enroll na ako as a 2nd year high school student dito."Kausap ko ngayon ang bestfriend kong si Ryan, naging kaibigan ko siya simula nung lumipat kami ng tirahan sa Maynila. Tumawag siya ngayon para kamustahin ako at ang family ko. Yeah, honestly I missed him a lot, kaya ngayon nagkakausap nalang kami through phones and chats.
" Okay, I need to hung up now marami pa kaming visitors na kailangan ientertain. Tawag ka nalang tomorrow evening. Okay Goodbye."
Kaya binaba ko na ang phone ko at pumasok na ako sa loob. Pagkapasok ko sa loob wala na si ate Tia, siguro napatagal ako sa pakikipagkamustahan kay Ryan. Kaya hinanap ko na si ate Tia, may kailangan pa akong sabihin sa kanya and kailangan niyang malaman iyon as soon as possible bago sila magkita ni kuya.
Pagkalabas ko sa bahay namin tumambad sa akin ang pakikipaglandian ni Kupal. Hayy kahit kailan ang landi niya talaga.
"Ehem...tumaas na nga ang mga balahibo ko sa katawan dahil sa lamig, tapos dadagdag pa ang tindig ng balahibo ko dahil sa mga nakikita ko. Grabe nakakakilabot!Hindi man lang marunong humanap ng proper place para sa pakikipagharutan ." Parinig kong pasabi kay kupal.
Napansin kong tumingin siya sa may gawi ko at napasmirk. 'Di lang pala siya babaero, hambog din pala.Tumayo siya at lumapit sa akin.
" Long time no see pangit. Bakit naiinggit ka ba? Why just join them and join me, baka kasi mahimatay ka diyan sa inggit." Si kupal.
" Excuse me kupal! Huwag kang masyadong assuming kasi hindi ako malandi katulad mo. Atsaka mandiri ka nga sa mga sinasabi mo, ako sasabay sa mga malalanding 'yan? Huh! Over my dead sexy body." Depensa ko, kapal niya talaga!
"Excuse me miss? Anong sinabi mo about sa amin? Sinabi mo bang malalandi kami?" Sabi ng isa sa mga girls na kalandian kanina ni kupal.
"Do I really have to repeat what I've just said? Ehh obvious naman na sinagot mo na ang tanong mo." Bara ko sa girl.
Geshh she is so dumb.
" Huh! My goodness Louie, hindi ko alam na pumapatol ka pala sa mga maldita." Dagdag ng babae.
Oww look who's talking. Anong tingin ng babaeng 'to sa sarili niya Santo. Oh come on!
" Yeah I know and unluckily she's my girlfriend." Sabi ni kupal sabay akbay sa akin.
Biglang nanlaki ang mga mata ko pati na rin ang mga mata ni girl sa ginawa niya. Wait did he just call me his girlfriend? What the!
Magsasalita sana ako kaso pinigilan niya ako through putting his index finger to my mouth." I know and I love you too." Sabay sabi ni kupal sa akin.
Eww. F*ck ako ang nandidiri sa mga sinabi niya. I suppose to say 'what the hell are you talking about?'
" Bwisit magsama kayong dalawa." Sigaw nung babae sabay walkout. Ayy nagalit si girl?Huh serves her right, masyado siyang assumera.
Kaya kami nalang dalawa ang naiwan ni kupal. Tapos kinuha na ni kupal ang pagkakaakbay sa akin at tinulak ako papalayo sa kanya na para bang diring- diri siya sa akin.
Bwisit na kupal na 'toh!
" Hoy!! Louie Dave Fajardo bakit sinabing mong girlfriend mo ako ha?"
Yeah you heard it right, ang kupal na tinutukoy ko ay walang iba kundi ang kapatid ni ate Tia. I really pity ate Tia for having a stupid brother like him.
" Nagustuhan mo naman Phoebe Margareth Rivera." Sabi ni Louie Kupal.
" Yuck! Dream on dude!"
Well honestly isa sa mga kababata ko si Louie, pero tuwing naglalaro kami noong mga bata pa kami, expected na may war talagang magaganap between the two of us. Kupal ang tawag ko sakanya kasi, bata palang kami bully na ako sa kanya, lagi nalang niya akong tinatawag na pangit at sa tuwing nananahimik na ang buhay ko ehh bigla siyang eepal at mang-aasar sa akin kaya tinawag ko siyang Kupal.
BINABASA MO ANG
Forget Me Not
Teen FictionIn life, mahirap maiwan ng isang tao, na naging malaki na ang parte sa ating buhay. But we need to accept the fact that not all the times we can share our happy and though moments with our loved ones. "Yes, our lives may seperate, but as long as our...