Chapter 9: The Pogi Gang

2 1 0
                                    

Tia's POV

Hay sa wakas Friday na at bukas wala ng pasok!!!

"Mommy and daddy alis na ako. Hoy Louieng unggoy una na ako sa'yo." Paalam ko sa pamilya ko.

"Bye bye sweetie ingat ka ha." Sigaw naman ni daddy.

"Masira sana ang bisikleta mo manang!" Pahabol na sigaw ni Louie kaya naman binatukan siya agad ni mommy.

"Che!Buti nga sa'yo." Tapos lumabas na ako ng bahay.

Hindi na ako sasabay kay Zekie ngayon baka saan pa kami mapadpad. Kaya bisikleta ko nalang ang ginamit ko. Napaaga ako ngayon kasi susunduin ko pa si Ashley sabi niya kasi sabay kami papunta ng school.

Habang nagbibike ako dumaan naman bigla ang sasakyan ni Zekie. Napangiti nalang ako ng mapakla. Kailan kaya ako maalala ni Zekie?

*sigh*

Nandito na ako ngayon sa labas ng bahay nila Ashley. Nagdoor bell muna ako at pinagbuksan naman ako ng mommy ni Ashley, si Tita Angelique pero ang tawag ko sa kanya ay Tita Angge.

"Good morning tita Angge! Si Ashley po?"

"Ay iha, patapos na si Ashley, halika pasok ka muna."

"Ay hindi na po tita hihintayin ko nalang po si Ashley dito sa labas."

"Momsy alis na ako." Bigla namang sabat ni Ashley.

"Oh sige mag-ingat kayong dalawa ha. At ikaw Ashley uwi kaagad dito, hindi yung kung saan-saan ka pa gagala." Paalala naman ng mommy ni Ashley.

"Momsy naman ehh, hindi mo naman ako pinaglihi kay dora diba? Kaya huwag kang mag-alala hindi po lakwatsera ang anak niyo."

Natawa naman ako sa pag-uusap ng mag-ina. Tapos pumasok na sa loob ng bahay si Tita Angge.

"Friendship sandalilang ha punta muna ako sa garage may kukunin lang ako."

"Sige dalian mo lang baka malate tayo."

"Okay,okay"

Makaraan ang ilang minuto bumalik na si Ashley dala-dala ang isang bisikleta.

"Naks bago 'to no?" Tanong ko kay Ashley.

"Hindi no, kay kuya Stephen 'tong bisikleta. Hiniram ko lang. Ang unfair lang kasi kung maglalakad ako tapos naka bisikleta ka."

"Kahit kailan inggitera ka talaga." Biro ko sa bestfriend ko

"Che! Halika alis na tayo."

***

Nandito na kami ni Ashley ngayon sa school. Hindi naman gaano kalayuan ang mga bahay namin sa school.

Pagpasok namin sa gate ng school agad namang sumabay si Lance na bago dating din.

"Hey guys!" Masiglang bati naman ni Lance.

"Hello Lance." Ganti ko rin kay Lance.

"Tsk. Asungot!"

As usual, tinawanan lang ni Lance si Ashley. Pagkarating namin sa classroom. Medyo marami-rami na ring mga demonts. Pero hindi pa dumating si Zekie.

"Wazzup guys." Sigaw ng isang lalaki.

"Party people!" Sigaw pa ng isang lalaki

"Morning people!" Hirit pa ng isang lalaki.

"Tss mga asungot." Bulong ni Ashley.

Okay let me introduce kung sino ang mga lalaki na tinatawag ni Ashley na mga asungot.

Forget Me NotTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon