Tia's POV
Habang nasa sasakyan kami ni Zekie tahimik lang kami buong biyahe. Hindi ko naman mapigilan na sumilip sa kanya habang nagmamaneho. Talagang malaki na ang pinagbago niya kaya nga hindi ko siya nakilala agad ehh, hanggang ang pagsilip ko sa kanya ay napunta sa pagpapantasya sa perpekto niyang mukha.
" Wala ka na bang ibang alam na gawin kundi titigan ako?!" Basag ni Zekie sa katahimikan, kaya bumalik ako sa katinuan.
Psh nakakahiya, talagang napaghahalataan ako!
" Ahh ehh hehehe sorry." Paumanhin ko habang nakayuko.
" We're here." Cold niyang pagkasabi.
Pagtingin ko sa bintana.....O_O
Hindi 'to ang school namin!!!" T-teka Zekie b-bar? Anong gagawin natin dito?"
" Ako mag-eenjoy, ewan ko kung ano ang gagawin mo." Tapos lumabas na siya ng sasakyan kaya lumabas na rin ako, pero hindi pa rin ako titigil sa pagproprotesta sa kanya.
" Akala ko ba sa school ang punta natin?" Pigil ko sa kanya, papasok na kasi siya sa loob ehh.
" Bakit may sinabi ba ako na sa school ang punta ko?" Talagang wala siyang planong magpapigil pero hindi pa rin ako susuko.
" Ehh may bar ba na bukas ng sobrang aga?"
" 24/7 dito kaya paniguradong bukas ang bar na ito."
Grabe!!! Hindi ba uso ang salitang pahinga sa bar na'to?
Naku po!!! Wala pa naman akong planong makakita ng tao na parang nakalanghap ng isang sakong shabu at mga taong dinaig pa ang baho ng imbornal sa baho ng mga hininga nila dahil sa alak.
Itutulak na sana ni Zekie ang pintuan ng bar, pero hinawakan ko ang mga braso niya upang pigilan siya.
" Zekie mabuti pa pumunta nalang tayo sa school at baka malate pa tayo atsaka masama para sa atin ang pumasok sa ganyang mga lugar."
Kaso nagpumiglas siya at sinamaan lang ako ng tingin.
" Sasama-sama ka pa sa akin. Sa susunod huwag ka nalang sumabay sa akin kung puro reklamo ka lang diyan kasi alam mo, nakakairita ka!"
Tapos marahas niyang hinablot ang kanyang braso mula sa pagkakahawak ko at tinulak niya ako na siyang ikinasubsob ko sa sahig.
Ang sakit, physically and emotionally. Ni katiting na characteristics ni Zekie noon hindi mo na makikita sa bagong Zekie ngayon.
Bumabadya na naman ang mga luha ko, kahit ilang segundo nalang papatak na ang mga ito mula sa mga mata ko.
"Ineng oh."
May nahulog na limang piso sa harapan ko. Nilingon ko kung sino ang nagbigay sakin ng barya, paglingon ko isang matandang lalaki ang nagbigay ng pera sa akin.
"Salamat ho lolo!" Sigaw ko sa matanda para marinig ako nito.
Tapos kumaway lang ang matanda habang patuloy pa rin sa paglalakad hudyat na narinig niya ang sinabi ko.
Pambihira sa gandang kong 'to mapagkakamalan pa akong pulubi na nanghihingi ng pera?
Kaya tumayo nalang ako at pinulot ang limang piso, sayang naman kung hindi ko kukunin diba?
Nilingon ko ulit ang bar na pinasukan ni Zekie. Siguro it is better to give him a space for a while enable for him to reflect.
*sigh*
Nakapagdecide ako na mas mabuti pa kung pupunta nalang ako ng school, like what I've just said earlier wala akong planong makakita ng mga taong lasing.
BINABASA MO ANG
Forget Me Not
Teen FictionIn life, mahirap maiwan ng isang tao, na naging malaki na ang parte sa ating buhay. But we need to accept the fact that not all the times we can share our happy and though moments with our loved ones. "Yes, our lives may seperate, but as long as our...