Naglalakad ako ngayon papunta sa bahay nila Ashley. Pasado 3:00 pm na ako nagising pero wala pa ring tao sa bahay bukod sa akin kaya napagpasyahan ko na bumisita nalang kina Ashley. Sigurado naman ako na walang ibang ginagawa yun sa bahay nila kundi nakahilata sa kama niya at nagbabasa ng mga novels.
"Ano ba, can you just f*cking leave me alone. Sinira mo na nga ang childhood days ko pati ba naman teen age life ko! For pete's sake Kyle magpahinga ka naman sa panggugulo sa buhay ko kasi pagod na pagod na ako sa mga pinaggagawa mo." Sigaw ng isang babae.
Hala nakakatakot! Tinignan ko kung sino ang sumisigaw, nabigla nalang ako nang makita ko na si Ashley pala ang sumisigaw at ang sinisigawan niya ay si..... si Kyle Montejo.
Teka! Ano ba ang nangyayari dito? Dahil na rin sa curiousity kaya nagtago ako sa mga bushes dito sa garden nila Ashley at nakinig sa pinag-uusapan nila.
Hindi naman sa nakikichismis ako....uhm...slight lang. Spying nalang ang itawag natin sa ginagawa ko para medyo sosyal. LOL!
"Ashley hanggang ngayon ba naman galit ka pa rin sa akin? Ashley please makinig ka sa akin." Si Kyle.
Huh? Hanggang ngayon? So meaning matagal na silang nag-away.
Ashley's POV
Nandito ako ngayon sa kwarto ko, nakahilata sa kama at nagbabasa ng mga novels, ito naman talaga ang gawain ko tuwing weekends, kung hindi gagala, magbabasa. Ang binabasa ko ngayon ay ang novel ni John Greene na Paper Town. Well kung natatanong niyo lang favorite author ko talaga si John Greene at Nicholas Sparks.
*ding dong*
"Anak pakibukas naman ng pinto ohh, tingnan mo kung sino ang nagdodoor bell nagluluto pa kasi ako." Sigaw ni momsy.
"Okay momsy ako nalang po ang magbubukas."
Bwisit naman ohh laking distorbo nito, ano bang kailangan nito.
Pagkabukas ko sa pinto, nabigla ako kung sino ito. Bakit siya nandito?
"K-kyle?"
"Ashley"
"Anong ginagawa mo dito." Kaagad ko siyang tinaasan ng kilay at tinarayan.
"Ashley pwede ba tayo mag-usap?"
"Nag-uusap na tayo."
Napabuntong hininga nalang siya.
"Okay Ashley I just came here to fix things."
"Walang sira ang bahay namin kaya wala kang kailangan ayusin dito."
Napabuntong hininga na naman ulit ito. Alam kong nagtitimpi na'to, siguradong gusto na akong sigiwan nito pero hindi niya magawa.
"Ashley seryoso na. Nandito ako para ayusin 'yung pagkakaibigan natin. It's been 8 years since ginaganito mo ako, hindi pinapansin at palagi kang galit sa akin. I know I messed up your friendship with Trisha pero ginawa ko yun para sa kapakanan mo."
Wow! Hiyang-hiyang naman ako sa kanya. Para sa kapakanan ko? Tss. Sinong niloloko niya?
"Para sa kapakanan ko o para sa kapakanan mo. Alam mo sobrang selfish mo. Gusto mo lahat ng bagay makukuha mo."
"Ashley please let me explain." Pagmamakaawa nito, pero hindi ko na pakikinggan pa ang mga kasinungalingan niya.
Tapos ano? Pagbibigyan ko siya ng another chance tapos sisiraan na naman niya ako kay Tia. Gusto na naman niyang mabuwag ang pagkakaibigan namin ni Tia. Iyon ba ang gusto niya? Pwes hindi ko hahayaang mangyari iyon.
"Umalis ka na."
"Ashley please let me explain."
"No!" Matigas kong pagkasabi. Isisira ko na sana ang pinto pero pinigilan niya ito.
BINABASA MO ANG
Forget Me Not
Teen FictionIn life, mahirap maiwan ng isang tao, na naging malaki na ang parte sa ating buhay. But we need to accept the fact that not all the times we can share our happy and though moments with our loved ones. "Yes, our lives may seperate, but as long as our...