Dahil recess na, nandito kami ngayon ni Ashley sa canteen.
"Hoy Ashley yung cornetto ko ha huwag mong kalimutan."
"Etoh naman kala mo mauubusan. Opo bibili na po."
Tapos umalis muna si Ashley sa table namin upang bumili ng pagkain. Habang naghihintay, nakita kong pumasok sa canteen si Zekie, as usual poker face na naman. Ngumiti ako sa kanya nung dumaan siya sa table namin pero hindi niya ako pinansin at binalewala lang ako.
*sigh*
"Eto na friendship oh mango tango 'yan."
"Thank you Ashley." Malumay kong pagpapasalamat sa bestfriend ko.
"Oh anyare sa'yo? Nawala lang ako saglit bigla kang nawala sa mood."
"Wala 'to Ashley."
"Hay naku! Ako pa lolokohin mo? Come on spill it out."
"Uhm Ashley natatandaan mo pa ba ang sasabihin ko sana sa'yo kaninang umaga."
"Ayy oo, teka may koneksyon ba yun sa nangyayari sa'yo ngayon."
Tumango ako, na ang ibig sabihin ay oo.
"Ohh bakit?"
"Natatandaan mo pa ba ang story ko sa'yo about sa childhood bestfriend ko?"
"Ahh 'yung kaibigan mong puro pangako pero hindi naman tinutupad?"
"Oo siya nga pero Ashley tinupad niya ang pangako niya bumalik na siya."
Nanlaki ang mga mata ni Ashley. Obvious na talagang nagulat.
"Totoo?! Ehh gwapo ba?"
Sinapak ko siya, napakaseryoso ng atmosphere namin ngayon tapos tatanungin niya lang ako kung gwapo. Sus! and landi talaga ng bestfriend ko.
"Ehh nagtatanong lang ehh. Oh nasaan na siya ngayon? Saan siya nag-aaral?"
"Dito siya sa school natin nag-aaral."
Mas lalong lumaki ang mga mata ni Ashley kulang nalang ng konting push, panigurado luluwa na ang mga mata ni Ashley. Ewww, pero siyempre joke lang 'yun.
"Talaga?! Anong year? Anong section?"
"Oo atsaka classmate natin siya."
"Huh? Teka naguguluhan ako, classmate? Wala naman akong ibang maisip na pwedeng maging si Zekie mo pwera na lang kay... Teka!! So ibig mong sabihin si Ezekiel ang long lost childhood bestfriend mo?!" Bulong ni Ashley. Siyempre ayaw naman ni Ashley na mapahiya ako kaya bumulong nalang siya, kung kami lang dalawa dito ngayon paniguradong sisigaw at sisigaw na'to.
"Oo" walang gana kong sagot.
"Oh ehh diba dapat happy ka kasi nandito na ang matagal mong hinihintay. Bakit para malungkot ka?"
"Yun na nga ehh, bumalik nga siya kaso nga lang hindi niya naman ako maalala."
"Huh? Bakit naman?" Naguguluhang tanong ni Ashley.
"Bago pa lang silang lipat sa Maynila, nakapagdecide sila na magbakasyon muna sa Baguio. On their way, nawalan ng preno ang minamanehong sasakyan ng daddy ni Zekie tapos naaksidente sila, sa kanilang apat si Zekie ang grabe ang nangyari, he is in the state of coma for almost three months, nawalan na ng pag-asa ang pamilya ni Zekie na magising siya but luckily he open his eyes and survived kaso nga lang yung araw din iyon walang matandaan si Zekie, ni pangalan niya hindi niya matandaan and he also had an attitude problem. He was completely different from the Zekie I was used to know."
"Kawawa naman pala ang gago."
Wow! Naawa pa siya lugar na 'yan, okay na sana ang pagdadalamhati niya ehh kaso tinawag niya namang gago.
BINABASA MO ANG
Forget Me Not
Teen FictionIn life, mahirap maiwan ng isang tao, na naging malaki na ang parte sa ating buhay. But we need to accept the fact that not all the times we can share our happy and though moments with our loved ones. "Yes, our lives may seperate, but as long as our...