" You know class blah blah blah"
Eto kami ngayon, as usual klase na naman pero okay lang kasi masaya naman ako, ayiee kinikilig pa rin ako sa nangyari kanina during lunch break, hindi ko ineexpect na bestfriend ko na si crush.
Okay, dapat hindi ako magpahalata kay Lance na gusto ko siya baka kasi maakward siya sa akin, ayan tuloy naging mas mahirap na para sa akin ang magconfess sa kanya kasi nga magbestfriends na kami at kapag nalaman niya ang feelings ko lalayuan niya ako kasi hanggang friendzone lang ako. Naku! huwag naman sana. Basta ang iisipin ko nalang ngayon ay masaya ako kasi bestfriends na kami.
"Hoy friendship wala ka bang planong umuwi?" Pagputol ni Ashley sa pagmumuni ko.
"Huh?"
"Friendship uwian na! Ano paiwan ka dito sa classroom?"
Tiningnan ko ang katabi ko, wala na. Talagang lutang na naman ang pag-iisip ko.
" Ay ganun ba sorry."
" Guys sabay na ako sa inyo palabas ng school." Sigaw ni Lance habang nakangiti.
Omeged! Chillax lang Tia. Be cool pag nandiyan si Lance.
" Sure! " sabi ko kay Lance sabay ngiti rin sakanya.
" Tss asungot." Si Ashley.Kaya siniko ko siya.
Napatawa nalang si Lance kay Ashley.
Lumabas na kaming tatlo sa classroom.
" Ay oo nga pala Tia next next next week pa ang training namin para sa Division Games at okay lang daw sa kateamates ko ang gagawin mong article about sa game namin."
" Talaga Lance? Thank you talaga ha. Napakalaking tulong niyan para sa akin."
" Siyempre bestfriend malakas ka sakin ehh."
Ayyiee feel na feel talaga ni Lance ang pagiging magbestfriends namin. Pero hanggang bestfriend lang ba talaga?
" Naks! Nakikibestfriend na siya kay friendship. Hoy! Lance tandaan mo number 2 kalang." Sabat ni Ashley. Hayy kahit kailan ang bitter ng isang 'to.
" Hahaha pero hindi natin alam Ashley na baka malagpasan pa kita sa rank mo sa pagiging bestfriend ni Tia." Pang-aasar ni Lance.
Hahaha may tinatago palang kapilyuhan itong si Lance. Napatingin ako sa gawi ni Ashley at ang talim na ng tingin niya kay Lance. Kaninang lunch ang bait-bait pa niya kay Lance tapos ngayon naging magfriends na kami ni Lance parang nakakain siya ng ampalaya at sobrang bitter na niya.
Pumagitna nalang ako sa kanilang dalawa para matigil na ang asaran.
" Hay mabuti pa umuwi na tayo."
" Ay friendship nakalimutan ko palang sabihin sa'yo na baka hindi ako makakasabay sa'yo ng uwi ngayon kasi susunduin ako ni daddy dahil my family dinner kami."
Ayy ako lang pala mag-isang uuwi ngayon.
" Sige Ashley okay lang."
" Thank you friendship ha. Ayy nandito na pala si daddy sige mauna na ako sa inyo bye."
Tapos sumakay na si Ashley sa kakarating na sasakyan. At ngayon kami nalang dalawa ni Lance ang naiwan.
" Uhm bestfriend halika ihahatid nalang kita sa inyo. Kukinin ko lang ang nakapark kong kotse." Pang-aalok ni Lance.
" Ahh Lance sorry hindi ako makakasabay sa'yo kasi may biskleta ako, ' yun ang gagamitin ko pauwi ehh. Pero thank you sa pagaanyaya mo."
" Sure ka? " Paninigurado ni Lance.
BINABASA MO ANG
Forget Me Not
Ficção AdolescenteIn life, mahirap maiwan ng isang tao, na naging malaki na ang parte sa ating buhay. But we need to accept the fact that not all the times we can share our happy and though moments with our loved ones. "Yes, our lives may seperate, but as long as our...