"What the f*ck is your wrong miss!" sigaw ng isang gwapo este demonyong nilalang na nasa harapan ko.
Ang kapal niya! Ako pa ang muntikang mabangga, ako pa ang mumurahin niya. Aba! Hindi ako magpapatalo no, kahit na gwapo pa siya! Buhay ko na ang pinag-uusapan dito.
" Hoy 'wag mo kong ma what the f*ck diyan. Ikaw ang may kasalanan!" sigaw ko.
"Ano?!"
Ayy grabe siya ha, pasigaw ko na 'yong pagkasabi pero hindi niya narinig, OA much lang ha.
O baka naman.... Aha! Alam ko na, baka bingi ang isang 'to, tsk tsk, bawas pogi points.
Ano kaya ang gagawin ko para magkaintindihan kami?
*ting*( sound effect pagnagkaroon si Tia ng idea)
Tama! Gagamit ako ng sign language para maintindihan niya ang protesta ko. Kaso nga lang hindi ako expert sa bagay na 'yan, pero sige na nga lang word by word ko nalang iact.
Okay ano nga sinabi ko kanina? Uhm first word muna. Pangcharades lang ang peg.
"Hoy!" Tapos dinuro ko siya. Okay next,
" 'wag mo kong" sabay hand gesture na hindi, tapos tinuro ko ang sarili ko.
"Ma what the f*ck diyan"
Hala! Ano ang sign ng the f*ck? Nakita ko 'yon sa isang movie ehh.
Ayy naalala ko na. Pagkatapos, itinaas ko ang isang kamay ko at sabay taas ng middle finger ko. Wahhh nagawa ko na!!! At proud pa talaga ako hahaha!! Ang weird ko no? Bahala na at least maganda. Mwahaha.
Napansin ko lang na nakataas na ang kanyang mga kilay na para bang nawierduhan sa ginawa ko. Kaya tinigil ko muna ang pagchacharades este pagsisign language ko.
"Hoy miss anong tingin mo sa akin bingi?" Tanong niya.
" Ehh kasi sinigaw ko na 'yung sinabi ko kanina tapos sasabihin mo lang na ano."
"Tss. 'Yan kasi agad-agad nagcoconclude. What I mean is that bakit ako ang may kasalanan ha?"
" Pasensya na ha, kasalanan ko bang magaling ako sa conclusion. At tsaka bakit ikaw ang may kasalanan? Kasi reckless driving 'yang ginawa mo kanina."
" The hell! So ako pa ngayon ang may kasalanan kung bakit ka tatanga-tanga diyan."
" Aba! So you mean....Hoy! Saan ka pupunta!"
Ughhh! Ang bastos ng taong 'to, hindi pa nga ako tapos magsalita, eh bigla ba naman akong talikuran at sumakay na sa kotse niya. Hindi pa nga siya nagsosorry sa akin.
" Hoy!.."
At bago ko pa matapos ang sasabihan ko, pinaharurot niya na ang kanyang sasakyan at iniwan ako.
Ughhh! The nerve of that guy. BWISIT!!! Kaya sumakay nalang din ako sa bisikleta ko at baka malate pa ako.
Sana mabundol 'yung sasakyan niya. Ughhh!
***
Nandito na ako ngayon sa classroom namin, tahimik lang ako habang ang iba kong mga kaklase ay sobrang ingay, hindi pa kasi dumating Mr. Sanchez.
"Hoy friendship! Anyare sa'yo bakit parang pang-Good Friday 'yang mukha mo?"si Ashley.
" Wala 'toh."
" Ano na kasi sabihin mo na yang hinanakit mo at baka mamaya hindi mo na kayanin at bigla kanang pumutok diyan na parang bulkan."
" Tss. Oo na, ehh kasi kanina muntikan na akong mabundol ng sasakyan."
BINABASA MO ANG
Forget Me Not
Teen FictionIn life, mahirap maiwan ng isang tao, na naging malaki na ang parte sa ating buhay. But we need to accept the fact that not all the times we can share our happy and though moments with our loved ones. "Yes, our lives may seperate, but as long as our...