Wooohhh sa wakas Saturday na!!! Bago pa akong gising ngayon. Kaya rise and shine penguins! It's a great day to start a new life!!
Bigla namang bumukas ang pinto ng kwarto ko at dumungaw ang impaktong kong kapatid.
"Ohh ano kailangan mo?" Tanong ko.
"Manang pakisabi nalang kay mommy na aalis ako, pupunta ako ng school kasi may try out ngayon para sa bagong members namin sa football team."
"Asus!! Ang sabihin mo gagala ka lang kasama ang mga barkada mo. Atsaka ba't di mo na lang sabihin kaagad kay mommy, bakit kailangan ako pa ang magsasabi?"
"Ehh wala kasi si mommy ehh maagang namalengke at si daddy naman nasa business trip, so no choice, sa iyo na ako magpapaalam."
"Sige basta umuwi ka ng maaga ha."
"No problemos! Manang smile!" Pagkatapos inilabas ni Louie ang cellphone niya at pinicturan ako. Pagkatapos sinira na niya ang pinto habang tumatawa ng malakas.Huh, bakit?
Kaya bumangon ako at iniharap ko ang sarili ko sa salamin.
O_O
WAHHHH! ANAK NG IMPAKTO! Mukha ako ngayong ginahasa ng isang daang penguins!!
"LOUIE!!!!" Bwisit na isahan ako ng impaktong 'yun! Anak ng! Tulo pa ang laway ko. Gross!
Paniguradong epic na naman ang pagmumukha ko doon sa cellphone niya. Huhuhu.
***
Nasa sala ako ngayon nanonood ng TV. Wihhh doraemon na kasi ang palabas. Favorite ko kasi ang pusa na ito ehh. Habang nanonood ako biglang bumaba si mommy sa hagdan. Bihis na bihis, saan kaya lakad nito?
"Saan ang lakad mo mommy ba't bihis na bihis ka?"
"Ahh sweetie aalis muna ako ha. Bagong dating kasi ang kaibigan ko galing sa U.S tapos may surprise party kami sa kanya. Ikaw nalang bahala sa kakainin mo sa lunch ha baka hapon pa ako maka-uwi."
"Sure mommy."
Umalis na si mommy gamit ang kotse samantalang ako parang shunga sa gilid ng kalye habang nagwawave pa ng kamay sa sasakyang paalis.
Nang hindi ko na matanaw ang sasakyan ni mommy tumigil na ako sa pagwawave ng kamay.
Napalingon naman ako sa bahay nila Zekie at nakita ko siyang natutulog sa bakuran nila habang nakikinig ng music. Grabe hindi ba siya naiinitan dito sa labas ehh tirik na tirik kaya ang araw.
Habang tinitingnan ko siya bigla kong naalala ang ginagawa niya sa akin noon.
Flashback:
"Hindi mo ako mahahabol Annie! Hahaha." Sigaw ni Zekie sa akin.
Naglalaro kami ni Zekie ng habol-habulan dito sa kalye at sa kasamaang palad ako ang taya.
"Dream on Zekie! Mahahabol din kita!"
Ang hirap talagang habulin ni Zekie kasi ang bilis niyang tumakbo pero hindi pa rin ako susuko. Habang hinahabol ko siya biglang natapilok ang aking paa at nadapa.
"Aray!! *huk* ang sakit *huk*" hindi ko na nakayanan pa, sobrang sakit na talaga ng paa ko kaya hindi ko mapigilan na hindi umiyak.
"Annie okay ka lang?" Pagaalalang tanong ni Zekie
"Mukha *huk* ba akong *huk* okay?"
"Tch. Halika ka na nga bubuhatin kita doon papunta sa may bench." Tapos kinarga niya ako sa likod niya bale piggy back ride, pagkatapos inupo niya ako sa isang bench.
BINABASA MO ANG
Forget Me Not
Teen FictionIn life, mahirap maiwan ng isang tao, na naging malaki na ang parte sa ating buhay. But we need to accept the fact that not all the times we can share our happy and though moments with our loved ones. "Yes, our lives may seperate, but as long as our...