Chapter 54

5.1K 116 20
                                    

Matatapos na 'to guys. Konti na lang haha! XD-s

CHAPTER 54

FRANCESS' POV

Kausap ko ngayon sa phone ang kaibigan kong si Harris. Pinasundan ko kasi si Ian sa kanya. Nalaman ko na may kasama siyang babae ngayon. I'm sure it was Andy.

Ilang araw ko na ring pinapasundan si Ian kay Harris. Kapag nalaman ko talaga na sila na nila Andy ipagkakalat ko sa media kung ano ang meron sa kanila.

We're not over okay? Hindi pa kami tapos ni Ian. Kung tapos na kami at may mahal na siyang iba ngayon, gagawin ko ang lahat para hindi sila maging masaya.

Hindi ako papayag na ako lang ang nasasaktan dito. Letting go was like quitting in a game. I'm not a loser.

Nagpapalpitate ang kilay ko sa inis.

"Ikaw na ang bahala Harris. I want a clear picture of them. Bye." Ibinaba ko na ang tawag.

Huminga ako ng malalim at uminom ako tubig.

"That girl is really a bitch." Sabi ko sabay irap.

Naiimagine ko kasi silang magkasama ngayon at masaya samantalang ako hindi pa rin maka-move on! I love him so much! and I really hate it! I really hate this feeling! I hate them! I hate myself! What a paradoxical shit.

Kasama ko si Kit ngayon. Nasa yellow cab kami. Siya lang kasi ang kaibigan ko na pwede kong paglabasan ng sama ng loob.

He's a great guy. Hindi ko alam kung bakit hindi siya pinili ni Andy.

"So morbid." Ngisi niya.

"Yes, I'm morbid. So what?" Pinagtaasan ko siya ng kilay.

"Baka mabaliw ka niyan. Uso mag move on."

I just rolled my eyes. That word is so hard to do. Sinubukan pero.. walang nangyari.

Kahit anong takbo ko, bumabalik pa rin ako sa kanya. Parang tumakbo ako sa treadmill. Nothing happened. Napagod lang ako.

"I don't know how. Hindi naman kasi ganon kadali. It's not easy to forget the person you loved the most. Moving on is a process, Kit."

"Madali lang. How can you forget him if you keep on thinking him? You're just hurting yourself and making things complicated. That guy don't deserve you. You're a princess not a soldier."

He has a point but I'm not like him. Hindi ako sumusuko.

Kung siya naka-move on na kay Andy, pwes ako hindi.

"Mahal ko talaga siya, eh."

Napa-facepalm na lang siya sa akin.

"Bahala ka. Ikaw pa ang mas masasaktan sa huli kapag pinagpatuloy mo 'yan."

Ngumiwi na lang ako sa mga sinasabi ni Kit.

"Baby you should go and love yourself~"

Kinanta niya pa 'yung love yourself.

"Che!"

Dahil kay Ian nagbibingi-bingihan ako at nagbubulag bulagan. Hindi ako nakikinig sa iba.

Marami pang iba diyan na pwede kong mahalin. May tao pa diyan na mas worth it. Pero wala akong magagawa kasi siya talaga ang mahal ko.

Puso ko ang sinusunod ko kaya walang nangyayari. Nasa taas ang utak pero pinapangunahan ako ng puso.

Hanggang kailan ako magpapaka-tanga?

ANDY'S POV

"Kiss mo muna ako. Pampalakas." Sabi ni Ian.

"Ayoko nga. Buhatin mo muna ako hanggang 28th floor." Tumawa ako.

Living With my Step-Brother [completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon