Credits sa owner ng pic.
Chapter 53
Andy's POV!!
"Bakit ka nagbar? May saltik ka talaga sa utak." Sabi ko kay Ian habang pinapasok siya sa kotse.
Hindi ko siya dadalhin sa condo niya. Deretso na sa bahay. Mamaya kung ano ang gawin niya. Baliw pa man din siya sa akin.
Tsaka hahanapin na ako ni Daddy. Hindi ako nag paalam na aalis ako. Baka pumunta siya sa police station nang di oras para ipahanap ako.
"Bakit mo ako sinundan?" Tanong pabalik sa akin ni Ian.
"Di ko alam. Sana nag pakamatay ka lang. Tss—"
Napamura ako dahil bigla niya akong hinila. Nasubsob tuloy ako sa dibdib niya!
"Ano ba!" Pinalo ko ang balikat niya. Muntik ko pa siyang mahalikan sa lips punyeta!
Ang bango pa rin niya kahit galing siya doon sa mausok na club na 'yon.
Tawa siya nang tawa dahil sa ginawa. Sana walang paparazzi dito kundi malilintikan ako. Kami.
"Baliw ka na talaga!"
Sinara ko ang pinto at pumunta na sa driver's seat. Hay grabe talaga. Bakit pa ko pa kasi siya sinundan?
Inistart ko na ang kotse kaso bigla itong namatay. Paulit ulit kong inistart kaso wala. Namamatay talaga.
"The fuck?!" mura ko nung nakita kong wala ng gas.
Anong klaseng magic ang ginawa dito ni Ian? Tadhana talaga nakaka-ugh!
Tinignan ko si Ian sa rearview mirror. Nakapikit lang siya.
Siguro naman may malapit ditong gas station? Or mag tataxi na lang kami? Paano ako magpapagas? Alangan naman na itutulak ko itong kotse?
Halos 30 minutes pa ang byahe. Anak ng—
Binubulungan na ako ng demonyo kong konsensya na tumuloy na lang sa condo ni Ian.
Okay! No choice!
Ihahatid ko na lang doon si Ian tapos mag tataxi na ako pauwi. Great idea.
"Ian!" Tawag ko sa kanya.
"Hmm?"
"Asan susi ng condo mo?"
Minulat niya ang mata niya tsaka niya hinugot 'yung wallet sa bulsa.
Inabot niya sa akin ang isang card.
"Wala ng gas itong kotse. Baba! ihahatid na lang kita sa condo mo."
Bumaba naman siya. Nasa huwisyo siya kaso hindi siya makatayo ng maayos. Alam niya ang nangyayari sa paligid.
Inalalayan ko siya sa paglakad hanggang sa makarating kami doon sa building. Malapit lang naman. Para kaming tanga sa kalsada. Wala namang gaanong tao na gumagala kaya hindi nila makikita si Ian.
Naalala ko noon, pang 24th floor 'yung condo niya. Ilang araw din akong nagtago sa condo niya noon kaya alam ko.
Sumakay kami sa elevator. Wala kaming taong kasabay, thank god! Tulog na siguro ang mga tao ngayon.
Nakaakbay pa rin siya sa akin. Ang tagal naman netong elevator na 'to! Gusto ko nang umuwi at humiga sa kama. Ang creepy din dito. Siguro hindi ko kakayanin na sumakay ditong mag-isa. JUSKO.
Nagulat ako dahil bigla akong niyakap ni Ian. 'Yung akbay niya naging yakap na. Naninigas 'yung paa ko leche!
"Ian.." suway ko. Hindi siya umimik.

BINABASA MO ANG
Living With my Step-Brother [completed]
RomanceAndy Shaina is introverted grumpy girl. She hated her new family so she decided to live alone. What will happen if her step-brother move to her house? Is it possible to fall inlove with the person you can't have? Is it worth taking risk for the pers...