Chapter 35

6.2K 140 19
                                    

Chapter 35

ANDY'S POV!!

Linggo ngayon. Nasa bahay ako nina Ian. Trip ko lang na tumambay dito. Tsaka magpapaalam ako kay Daddy. Sana payagan niya ako. Kapag 'di niya ako pinayagan.. bahala na si Ian. Marami namang assistant 'yung lalaking 'yon kaya sila na lang ang kasama niya. Pero sana talaga payagan ako.

Andito ako sa sofa nila kasama si snow. Kanina pa niya ako kikikiss. Tulog kasi si Jillian kaya wala akong nilalaro. Siyesta time kasi. Mamaya pang hapon uuwi sila Daddy. Nabobored na nga ako dito, wala kasing kausap.

Wala dito si Daddy at si Mama. Di pa din ako sanay na tawagin siyang Mama. 'Yung isang katulong lang ang andito tapos si Ian. 'Yung mga kamag-anak naman namin umalis na kahapon. Pumunta pa kami sa tagaytay bago sila umalis.

Dumating si Ian dala ang isang box ng pizza. Nagpa-deliver kasi kami. Sa wakas dumating na! Puputi na ang mata ko kakaantay.

Nilapag niya iyon sa maliit na lamesa tsaka niya sinindi ang TV at tumabi sa akin. "Masyadong mabalahibo 'yang aso mo, mamaya magkaroon ka ng asthma dahil diyan." Aniya.

"Atleast wala siyang pulgas. Hindi ako magkakaroon ng astma." Sabi ko naman. Kinuha niya sa akin si Snow. Hinaplos haplos niya sa ulo tapos kinakausap niya pero wala namang sound. Parang ginagawa niyang baby. He's so cute- si Snow. Babae pala si Snow tanga.

"Akin na nga 'yang baby ko. Tss." Inagaw ko sa kanya.

"Dapat pala isinama ko din dito sa Goofy."

"Yung pulgasin mong aso na mukhang kapre?" Natatawa kong tanong

"Kasing gwapo ko 'yung aso ko oy." Umubo ako. 'Yung OA na pag-ubo.

"GG *cough* SS *coughh*" parang di naman ako GGSS haha.

Binuksan niya 'yung pizza tsaka niya ako inalok, kumuha naman ako ng isang slice. "Totoo naman na gwapo ako, ah?"

"Saang banda?"

"Kahit saang banda." Ngumiti siya sa akin tsaka siya kumagat sa pizza.

Fck ang gwapo niya shit. Kinikilig nanaman ako nyeta. Natatawa ako sa sarili ko.

Tinikom ko ang bibig ko para maitago ko ang ngisi sa labi ko. Inilipat naman niya ang channel sa basketball. "Sa cartoon network na lang kasi."

"Hindi ako bata." Sagot niya. Bumusangot naman ako.

Kumain na lang ako ng pizza hanggang sa antukin ako. Nakakahilo 'yung cheese. Humiga ako sa sofa tapos 'yung legs ko ipinatong ko sa lap niya. "Nahihilo ako sa sobrang kabusugan.." Sabi ko habang naka-pikit.

"Kababuyan. Tanggalin mo nga 'yang legs mong liempo" utos niya.

"Liempo? Excuse me, ang ganda kaya ng legs ko." Tinaas ko pa 'yung legs ko pero inilayo niya.

Kinikilig din ba si Ian? Anong itsura niya kapag kinikilig? Nagblu-blush? Pakiligin ko din kaya?

Bumangon ako tapos humiga ako sa lap niya. Kunwari isa akong clingy na girlfriend. Yuck girlfriend? Kung anu-anong kalandian ang alam mo, Andy.

Hindi siya nag-react nung humiga ako sa lap niya. Ang landi ko! Wala akong pagnanasa sa kanya, ang sarap lang talaga sa feeling ang kiligin.

"Doon ka na lang sa kwarto kung inaantok ka." Bwiset naman 'to.

"Saan?"

"Sa guest room. 'Yung dati kong kwarto."

"Dito na lang ako. Crush mo naman ako." Ngumisi ako sa kanya.

Living With my Step-Brother [completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon