Chapter 7

8.3K 195 21
                                    

Chapter 7

Umihip ang hangin sa soccer field. Ang sakit na ng lalamunan ko kakamemorize. Push ko pa 'to!

"..I am a child, so young, so thin and so ragged... why are you staring at me? I cannot see but I know that you are all staring at me. Did you know my mother?! did you know my Father?! did you know me five years ago??"

sabi ko kay Yui. Nag mememorize ako ng declamation. Tsk ang hirap.

"..Yes five years of bitterness had passed, I still remember the Vast happiness...argh." sumimangot ako dahil naiinis na ako.

"Narinig ko na peter pan daw yung stage play. Mygawd! kinikilig ako! sana ako yung makuhang Wendy! O Tinkerbell!" masayang sabi ni Yui.

"Psh. Taga-baba ng kurtina ang magiging trabaho mo." sabi ko sabay peace sign.

"Ang harsh mo! who you ka sa akin kapag ako ang naging wendy." umiling iling ako at bumaling na lang sa papel na hawak ko.

Ayon sa nabasa ko.. mag

uumpisa na ang audition bukas para kay Wendy at Peter. Syempre gusto kong maging Wendy, sino ba naman ang ayaw di ba? siguro madali lang, kasi paulit ulit ko nang napanuod yung movie kaya alam ko na. Haha

Tumunog a bell kaya pumasok na kami sa classroom namin, naabutan ko ang mga classmates ko na busy'ng busy. Mga mukha silang baliw dahil sa pinag gagagawa nila.

Pumasok ang teacher namin at naki usap kami na bigyan kami ng oras na mag memorize at pag handaan ang audition. Pumayag naman sya kaya nanahimik ako sa isang tabi at nag memorize.

Buti nga at di pumasok si Ian kaya medyo tahimik ang klase. Mayroon daw syang photoshoot etc.

**

Nandito kami ngayon sa cafeteria at nag rerelax. Marami kasing pagkain.

"Balita ko bumalik na daw dito sa Pilipinas yung Ex ni Ian. 'Yung si Francess? yung model ng Panty?"

Napataas ang kilay ko sa chinichika ni Yui. "So?" tanong ko.

Francess? yun ata yung model sa isang clothing line na kamukha ni Lily Collins. Idunno, wala naman akong pakialam.

ngumiwi sya, "Natatakot ako, huhu, paano kapag nag kabalikan sila? paano na kami?"

"Hoy, may boyfriend ka na Yui ah.. umayos ka." sabi ko.  'Di man lang nya iniisip yung boyfriend nya, minsan lang kasi sila nag kakasama kasi sekreto ang relasyon nila.

"Hmp. Wala namang pake sa akin yun. Pero syempre sabi ko sa kanya na wag syang magseselos kasi sya lang ang mahal ko. Nyahahah!"

Ewan ko kung bakit naiirita ako sa mga taong corny. Katulad ni Yui. Malaki na ata ang galit ko sa salitang 'pag-ibig'. Tsk tsk tsk

Tatanda na ata akong dalaga? simula kasi nung nag break kami nung ex ko di na ulit ako nainlove. Parang nawalan ako ng time na mag hanap ng boyfriend. Nakakatamad mag mahal. Mas maayos ang buhay ko ngayong single ako kasi malaya ako, no heartbreaks, no heartaches. Psshh =_=

"nga pala Dy, samahan mo ko kapag saturday!"

"Saan naman?" tanong ko.

"Hmm sa Mall. Mag mall tayo. Wala kasi akong gagawin." Yeah right. Three weeks na din akong hindi nakakapag shopping, feeling ko ang poor poor ko.

"Baka mag mukha akong third wheel ah?"

"Hindi ko sya isasama. Ang tamad tamad non, mag aaway lang kami."

"okay."

Bago kami umuwi ay nag practice muna kami ng cheer leading. Malapit na pala ang anniversary ng school namin kaya may mga isasagawang mga activities.

Living With my Step-Brother [completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon