Chapter 32

6.1K 156 27
                                    

Hi, Exo-Lover_XoXo_OT12! Thank you! I sarang you bee *^^* -Seyi

Chapter 32

Pumunta kaming lahat sa gitna ng court dahil kami ang ma-uuna. Kinakabahan talaga ako. Paano kung magkamali ako? Nakakahiya.

Panay ang pagche-cheer nila sa amin, 'yung iba naman halos batuhin na kami. Mga insecure!

Pumunta na ako sa pwesto ko tapos nag umpisa nang magplay ang blurred lines na remix. Kembot kembot lang tapos nag tumbling 'yung dalawang lalaki sa harap.

Pumunta kaming apat na babae sa gitna at pasexy'ng sumayaw sabay split. Seduce them, Andy. Seduce them. Hahaha!

"ANG PANGET N'YO BOOOO!" Sabi nung nung mga
kalaban namin. Manalo man o matalo maganda pa din...ako.

Sumunod naman ay binuhat nila 'yung dalawang flyer sa gilid para gawin ang isang stunt.

"Blue! Blue Army! GO GO BLUE ARMY!" Sigaw namin. Jusko siguro kung ako ang bubuhatin nila kita na ang kaluluwa ko.

"Andy dito!" Sabi sa akin nung isa. May plano ata silang buhatin ako at itapon sa ere. Halos lahat na kami ay bubuhatin. Aligaga na ako.

I'm not prepared!

Walang anu-ano ay tumuntong ako sa kanila tapos nasa taas na ako. Help me. Ang taas.

Mula rito, kitang kita ko ang pagkunot ng noo ni Ian. Nasa harapan lang kasi siya at pinapanuod kami. Bakit ba naiirita siya sa legs ko?! O baka naman naka-tingin siya kay Kat at hindi sa akin?

Di ko na lang siya pinansin. Itinaas ko ang kamay ko at iwinagayway ang hawak kong pompoms kasabay ng pagtugtog ng bass drum. Cheerleader na ako noon pa kaya hindi ito ang unang beses na binuhat ako.

Nag-iba ang music. Mas malakas na kaya sobrang energetic na kami. Ginagawa ko lang kung ano 'yung mga natandaan kong steps na itinuro nila. Ang galing ko kasi kahit na hindi ako gaanong nakikipag practice ay nagawa ko naman ng tama.

Nag form kami na parang christmas tree at si Kat ang pinaka-tutok tapos sumabog ang confetti at naghiyawan ang mga sumusuporta sa amin.

Hinihingal ako pero naka-ngiti pa din ako. Ganon lang kabilis, parang walang nangyari. Pinapalakpakan naman kami ng mga audience.

"That was an amazing performance! Thank you Blue Armys!" Sabi ng announcer.

Umalis na kaming lahat sa court dahil susunod na 'yung kabila. Ang yabang yabang nila, tignan na lang naten kung sino ang mananalo.

"LOSERS! BOO!~" Sabi nung isang babae. Naka-thumbs down pa ang gaga. Nginitian ko siya at ipinakita ang middle finger ko.

Hinarap ko ang mga kasama ko na busy sa pagtalon-talon."Hahaha! Yey! Ang galing galing naten!" Sabi ni Bianca. Nag appir kaming lahat tapos tumahimik na.

Naiinitan na ako. Biglang may kumalabit sa likuran ko. "Yes?" Si Ian.

"Nabalian ka ba ng buto?" Halos matawa ako sa tanong niya. Nakita ba niya akong nahulog? OA ah.

"Hindi naman." Sagot ko.

"Ah.. oh." Ibinigay niya sa akin 'yung towel niya tsaka na siya umalis.

Napatingin ako sa puting face towel na naka-sabit sa balikat ko. Bakit ako ang pinagbigyan niya neto? "Close pala kayo ni Ian Goshen? Binigyan ka pa niya ng towel hah. Omg you're so lucky!" Usisa naman netong isa. Ngumiwi ako, "Oh sa'yo na." Sabi ko sabay bigay ko sa kanya nung towel. Baka mamaya ma-chismis pa ako. Mahirap na.

Nag-umpisa nang mag cheer ang GIRLFRIENDS. Mayroon silang tatlong beki tapos lahat na babae. Naka-suot silang lahat ng pink na costume. Girly masyado. Ang sakit sa mata tapos meron pa silang painting sa mukha na pusa. Sinasayaw nila 'yung kanta ni Avril Lavigne na 'Hello kitty'

Living With my Step-Brother [completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon