Chapter 13

6.9K 168 1
                                    

Chapter 13

"Pakainin mo si Snow, please? nagugutom na sya. Please? please?" Kausap ko ngayon si Yui. Nagmamakaawa ako sa kanya na alagaan nya si Snow.

Dapat pala isinama ko si Snow dito sa Palawan, kawawa naman sya.

("Nasaan ka ba kasi?! bakit di mo ako isinama!? di ba walang iwanan? ahh! ang daya mo!") ngumangawa sya sa kabilang linya.

Andito ako ngayon sa silong ng isang niyog, may duyan kasi dito at presko ang hangin.

"Sssh! secret! di pwedeng sabihin. Baka di ako makapasok bukas. Sabihin mo kay Ma'am Olga mayroon akong sakit."

("Di ko sasabihin! nasaan ka kasi? susunod ako!")

"Secret nga! ang kulit ng lahi mo. Simulan mo nang lumangoy kung gusto mo akong sundan."

("Ano? saan? pacific ocean? sa beach? saang beach?")

"Sa Hawaiii. Joke lang. Babye na. Basta si Snow, ah?"

("Teka-")

*tooot*

Pagkatapos ko syang tawagan ay naglagay ako ng sunblock. Kating kati na akong mag swimming, nakasuot ako ng bikini na kulay black, syempre naka- maong short ako para di gaanong kita ang balat ko.

Mayroon na ata akong bilbil? gosh! mukha na akong caterpillar? nakakahiya. Ngayong weekend sana ako mag gygym kaso nga ito, andito ako sa Palawan.

Ang sarap kasing kumain kaya mukha na akong baboy!

Tumakbo ako papunta sa dagat. Hindi naman gaanong masakit sa balat ang araw dahil malapit na itong lumubog. Yes, manunuod ako ng sunset na mag-isa. Dati pangarap ko na makasama kong manuod ng sunset ang taong mahal ko, pero wala.

Wala akong ginawa kundi kumuha ng picture.

"Need help?" May lalaking nagsalita sa likuran ko.

Nilingon ko sya. Maputi sya, gwapo, kulay blue ang mata, medyo blonde ang buhok. Kamukha ni Alex Pettyfer! topless pa. Goshhh!

"Ahhh...su-sure," Inabot ko sa kanya ang cellphone ko para picturan ako. Nakakahiya! Ang landi ko talaga.

Nag pose ako, background ko ang dagat.

"bella," bulong nya pero narinig ko.

"Wha-what? I'm not Bella." sabi ko. Hindi ko boyfriend si Edward. Lol

dahil sa sinabi ko, ngumiti sya. Ahhh!! ang pogi! Ano kayang pangalan neto?

"Bella, means beautiful." Inabot nya na sa akin yung cellphone ko.

"Ah... Haha.. thank you." I blushed.

"So what's your name, Miss?"

"Andy." ngumiti ako tapos nakipag kamay.

"I'm Blake." Infairness ah ang hot ng name. "Why are you alone?"

"Ahmm..-" Sasagutin ko na sana sya kaso bigla akong tinawag ng pesteng si Ian!

"Andy!! Hoy Andy!" napatingin kami sa kanya.

"Your boyfriend is coming."

"He's not my boyfriend." Tumatakbo si Ian papunta rito.

"Kanina ka pa hinahanap nila Daddy, akala nila nawala ka na. Halika na nga. Tignan mo nga yang suot mo, binabastos ka na Hindi mo pa alam." aniya tapos hinila ako paalis.

"Hoy! ano ba?! Anong binabastos?! Ahmm Blake! I'm sorry!" sigaw ko kay Blake.

"bitawan mo nga ako! wag mo kong hawakan! Kita mong nakikipag usap pa ang tao eh!" Nag pupumiglas ako pero mahigpit ang hawak nya sa pulso ko.

Living With my Step-Brother [completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon