Chapter 33

5.6K 152 34
                                    

Hello, Mish_lonely12! Nabasa ko na po mga comments mo. Salamaaattt!-Seyi

Chapter 33

Sinuot ko ang paborito kong shorts at t-shirt. Naka-ready na ang mga van na sasakyan namin at ako na lang ang hinihintay. Dadaan muna kami sa cementery dahil dadalawin namin si Mama.

Katabi ko si Jillian. Si Ian at Francess naman sa sulok. Oo andito na si Francess. Dumating siya kanina. Sila Sheena at Judy naman ay papunta na doon sa resort kasama sila Yui.

"Let's go dad." Nilagay ko ang seatbelt tapos pinaandar na ni Daddy ang kotse. Jusko ang sikip naman dito.

"Okay ka lang, baby?" Tanong ko kay Jillian. Tumango naman siya pero halatang nasisikipan. Kinuha ko siya tsaka ko nilagay sa lap ko. Medyo lumuwang.

So, nasa gitna si Ian. Kitang kita sa mukha niya ang pagkairita dahil masyadong madikit si Francess sa kanya. Kulang na lang magpalit na sila ng katawan.

"I'm so excited na. Thank you for inviting me. Happy birthday, Andy!" Sabi ni Francess.

"Thanks," Ngumisi ako at nilagay ang earphones sa tenga ko. Don't talk to me, bitch.

Ilang minuto lang ang lumipas ay nakarating na kami sa sementeryo. Kinuha ko ang basket na puno ng flowers tapos bumaba na kaming dalawa ni Daddy sa kotse.

Nakakalungkot isipin na death anniversary ni Mommy ang birthday ko. Siguro kung nabubuhay pa siya ngayon nasubaybayan niya sana ang pagdadalaga ko.

Hindi ko naranasan na magkaroon ng mama na maghahatid sa akin school, mag-iipit ng buhok ko, nagluluto ng ulam, pagsasabihan ko ng mga crush ko, dumadamay sa akin kapag may problema ako at higit sa lahat.. Mama na bibigyan ko ng card tuwing mother's day. Para akong bata ano?

Inilapag ko ang basket sa tabi ng lapida niya. Minsan ko lang siyang nadadalaw kasi wala akong kasamang pupunta dito. Natatakot ako sa sementeryo.

Tinanggal ko ang mga dahon na tumatakip sa pangalan ni Mommy. "Ma.." Simula ngayong araw na ito tatanggapin ko na ang lahat. Si Liana.. tatawagin ko na siyang Mama. Igagalang ko na siya, ituturing ko na siyang nanay ko. Tatanggalin ko na ang galit sa kalooban ko. Hindi ko na siya ituturing na kaaway. Kasi kahit na baliktarin ko man ang mundo hindi na babalik si Mommy.

Tumayo ako. Inakbayan naman ako ni Daddy. "Dad, kamukha ko ba talaga si Mommy?" Tanong ko.

"Kamukhang kamukha." Sagot niya.

"Namimiss mo ba siya?"

"Ofcourse, I loved your mother."

Ang dali namang naka-move on ni Daddy nung namatay si Mommy. Ipinagpalit niya kaagad kay Liana.. I mean Mama Liana. Hehe..

Kinasal si Daddy at Liana noong two years old kami ni Ian. Hindi ko nga alam kung bakit hindi kami naging close ni Liana noon. Puro yaya kasi ang nag-aalaga sa akin.

Mas lalo pang lumayo ang loob ko noon kay Liana nung pinagalitan niya ako dahil nabasag ko 'yung lalagyan ng abo ng parents niya. I hated her so much. Hindi ko makakalimutan 'yung pagsigaw-sigaw niya sa akin nung araw na iyon.

Lumapit sa amin ang mga kamag-anak namin. Tapos bumalik na din kaagad kami sa kotse, tirik na tirik kasi ang araw.

Naabutan ko sa loob ng kotse sila Ian at Jillian na nagkukulitan. Nakiki-join naman si Francess. "Jillian, halika na dito." Kinuha ko si Jillian at ipinatong ulit sa lap ko. Inirapan ko naman si Ian.

"Oh bakit? Problema mo?" Natatawa niyang tanong.

"Wala."

***

Living With my Step-Brother [completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon