Chapter 34

5.6K 142 41
                                    

Chapter 34

Natahimik sila habang pinapanuod kami ni Ian na umiikot sa pool. "Wag kang lalapit sabi!" Patuloy ko pa rin siyang itinataboy pero hindi niya ako tinitigilan. "Iba na lang kasi huliin mo! 'Wag ako punyeta!" Hanggang boobs ko 'yung tubig kaya hindi ako makalangoy ng maayos.

"Ayoko nga. Ikaw ang gusto ko, eh." Kinilig ako bigla. Parang kinikiliti 'yung likod ko. Nararamdaman ko hanggang puson. Buset ano 'to?!

"Magpa-huli ka na kasi. Pakipot ka pa." He chuckled.

"No. Hindi mo 'ko mayayakap." Inekis ko pa ang braso ko para matakpan ang boobs ko. Nahihiya ako pucha!

Sinubukan niya akong abutin pero umilag ako. Tapos tumawa siya. "Hoy ang tagal niyo! Masyado na kayong nag-eenjoy!" Bulyaw ni Sheena.

"Si Andy kasi pakipot." Turo sa akin ni Ian.

Lumayo si Ian sa akin. "Ano suko ka na?" Tanong ko. Hindi naman siya sumagot.

"Hindi kita susukuan." Sagot niya. Tapos sinabuyan niya ako ng maraming tubig sa mukha! "AHHH!!!" Bwiset na animal! Iminulat ko ang mata ko at nakita kong wala na siya.

"Asan ka na?! Bwisit papatayin kita!" Saan pumunta 'yung gagong 'yon?

Nanigas ako nang may naramdaman akong yumakap sa akin mula sa likuran. "Huli ka.." Bulong pa niya sa tenga ko. Hinihingal pa siya. Kumakalabog 'yung puso ko! Ang lakas ng tibok.. nahihirapan akong huminga. Para akong naka-sakay sa roller coaster.

DAFUQ!

"Ian, bitawan mo na ako." Halos hindi ko pa 'yan masabi. Binitawan naman niya ako kaya nabalik na ako sa huwisyo. Tinignan ko siya ng masama. Pinagtawanan naman niya ako.

"Gago! gago! gago! gago ka Ian! Hayup!" Hinampas hampas ko siya sa ulo sa balikat kahit saan tumama ang kamay ko. Nakakainis!!! Arrgghhh!

"Aray! aray- ouch!" Anong ouch?

"'WAG NA KAYONG BUMALIK DITO! DIYAN NA LANG KAYONG DALAWA!" Rinig ko hanggang dito ang sigaw ng buang na si Yui.

"Pakyu Ian. Sagad." Tinalikuran ko siya para huliin si.. sino ba? Kahit sino na wala akong pake. Parang may bulate na may pakpak na nagwawala sa tiyan ko. Tangina this.

Back hug 'yun shems! Kinikilig talaga ako pero hindi ko alam kung maiinis ba ako o masisiyahan. Abno na ata ako?

"YUI PATAY KA SA AKIN! HUMANDA KA!" Sinugod ko si Yui. Naka-sakay pa din siya sa likuran ni Jasper. (sa batok xD)

Inabot-abot ko siya hanggang sa matumba si Jasper kaya nuhulog siya sa tubig. "Ahhhh!" Hahahah!

"*cough* *cough* *cough*!" Naka-inom siya ng tubig.

"Okay ka lang munch?" Alalang tanong ni Jasper. "O-okay lang ako *cough*"

Niyakap ko naman si Yui para di na maka-wala. "ANDY WAHH!" Nakakabingi! Pinakawalan ko siya tapos agad niyang niyakap 'yung boyfriend niya.

Nagswimming kami hanggang gabi. Ang sakit na ng paa ko at katawan, kung anu-ano kasi ang naiisip nila. Nag kwentuhan na lang kami nung nagsawa kaming lumangoy. Pumunta kami doon sa maliit na pool na maligamgam ang tubig. Hot spring.

"Ian at Andy. Paano kayo naging magkapatid? Hindi naman kayo magkamukha? Curious kami." Daming pwedeng tanungin 'yun pa. Eh di kami na ni Ian ang topic.

"Kinasal ang Daddy ko at ang Mama niya. Parehas kaming two years old noong kinasal sila. Namatay kasi si Mommy noong ipinanganak ako tapos wala na dito 'yung Papa ni Ian." Paliwanag ko.

"Ahh.."

"Eh di hindi kayo magka-dugo." Sabi ni Yui. Tumango naman ako. "Iandy yess" Bulong niya.

Living With my Step-Brother [completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon