Chapter 10
Iminulat ko ang mga mata ko at bumungad sa akin si Jillian. Yes, I know this kid. Kapatid ko sya, kamukhang kamukha ko. Parang batang version ko? Kapag pinag halo ang mukha namin ni Ian si Jillian ang kakalabasan.
Oh damn! damn, Andy! Noo! Parang anak namin sya, ganon? oh shet.
"Hey Jillian, lumayo ka ng kunti. Your ate is so fussy." sabi ng enkantong si Ian.
"No Kuya, sabi ni Daddy she's kind."
"Oh.. I see." Umalis si Ian kaya naiwan ako kasama itong batang ito. Sinusuri nya ang mukha ko.
Teka? ano na bang oras?
Tumingin ako sa relo ko at nakitang ala-syete na ng gabi. Ilang oras din akong naka tulog. My gosh! mayroon pala ako ba't di ako nag napkin? Baka may tagos na itong sofa??
Tinignan ko.. wala naman. Thank god!
"Hey, Ate. You're so pretty.." ani Jillian. Buti pa ito hindi nag sisinungaling. Di tulad nung kuya nya na sinabihan ako na panget! Kahit hindi direct ang pagkakasabi nya, ganon pa din yun.
"Thank you." matabang kong sabi. Ngumiti sya sa akin, Kamukhang kamukha ko talaga sya.. Iuwi ko kaya itong batang ito?
"You're cute," Hinaplos ko ang buhok nya. Humagikhik naman sya. Aaminin ko, mahilig ako sa mga bata, ang hirap nilang sungitan kasi alam ko yung feeling kapag pinapagalitan.
Tinawag si Jillian ng Mama nya kaya umalis na sya. Inayos ko ang buhok ko para mag handa ng umalis, aissh ang sakit ng puson ko.
Tumayo ako at isinabit ang shoulder bag ko.
"Uh? uuwi ka na? come on, join us.. Let's eat." pagpipigil sa akin ng mama ni Ian.
"No, thanks." dumeretso ako papunta sa pintuan.
"Andyan ang daddy mo." napahinto ako.
"Where?" tanong ko. Ang aga namang umuwi ni Daddy. Samantalang kapag uuwi sya doon sa bahay madaling araw na.
"Sa dining room." so sa dining room na lang ako pumunta. Mag papahatid na lang ako kay Dad para di na ako mag commute.
naabutan ko ang maraming pagkain sa lamesa.. *gulp* Nagugutom ako!
"Dad, gusto ko nang umuwi."
handang handa na sila sa pagkain ako na lang ata ang hinihintay."Later, baby. Kumain ka muna." aniya. "argh," I rolled my eyes.
Tumalikod ako.. mag cocommute na lang ako! yes! kaya mo yan Andy! forever alone ang peg mo! wala ka ng kapamilya, ingaw na nila Ian.
"ANDY!" narinig ko ang galit na tawag ni Daddy.. Gusto nya talaga akong pakainin dito sa pamilya nya. "Let's eat."
huminga ako ng malalim at walang nagawa kundi umupo na lang at sabayan silang kumain. This is awkward. Alam nila na ayaw ko sa kanila. Siguro tatahimik na lang ako para di nila sabihin na pinalaki akong bastos ni Dad.
Nilagyan ng mama ni Ian ang plato ko ng mga niluto nya. Malulunok ko kaya? plastic ba sya sa akin? Pakitang tao lang ba sya kasi nasa harap si Daddy?
Kumain lang ako na hindi nag sasalita, samantalang sila ay ang ingay ingay. Naiiyak ako kapag naiisip ko na ganito sila gabi-gabi, tapos ako.. mag isang kumakain ng dinner. Naaawa ako sa sarili ko.
Kinakausap ako ni Daddy pero tango at iling lang ang sagot ko. Hanggang sa matapos na akong kumain. Pumunta ako sa labas para antayin si Dad na matapos.
BINABASA MO ANG
Living With my Step-Brother [completed]
RomanceAndy Shaina is introverted grumpy girl. She hated her new family so she decided to live alone. What will happen if her step-brother move to her house? Is it possible to fall inlove with the person you can't have? Is it worth taking risk for the pers...