Chapter 52

5.4K 129 15
                                        

Chapter 52

Andy's POV!!

Patuloy ang pagtetext sa akin ni Ian. Pinipilit niya talagang sumama sa amin ni Yui mamaya. Eh hindi nga pwede diba?

Mabuti sana kung hindi public place itong mall. Mabuti sana kung dadalhin niya ako sa malayong lugar at walang tao sa paligid..

From: Ian
bibilhan kita ng maraming rilakkuma pasamahin mo lang ako.

Natawa ako sa text niya. Ang kulit kulit talaga tsk

Ako:
Hindi nga pwede! Wag ka nang mag reply kundi di ako magpapaligaw sa iyo! May kadate ako mamaya. Wag kang epal. Bilhan mo nalang ako ng rilakkuma.

'Yon ang huli kong reply sa text niya bago ko nilantakan itong inorder namin na pagkain ni Yui. Ang totoo niyan, nasa mall na kami kanina pa. Lunch na ngayon.

"Sino na nga 'yung boylet mong bago?" Tanong ko kay Yui. Pumula ang cheeks niya bigla.

"Wala. Secret. Hehe.."

Curious talaga ako kung sino. Ang landi talaga ng babaeng ito!

"Kilala ko ba?"

"O..oo?"

Hmm.. sino kaya? Malalaman ko rin 'yan. Hindi kayang magtago ng sekreto ni Yui.

Nag vibrate nanaman ang phone ko. Binasa ko ang reply ni Ian. Nakukulitan na ako pero binabasa ko pa rin mga text niya. Ayos lang ba ako?

From: Ian
ok. Sumama ka na lang sa akin mamayang gabi may surprise ako.

Ako:
Ayoko. Bahala ka sa buhay mo!

From: Ian
Tsk.

Ngumiwi ako sa reply niya. Ano naman ang gagawin namin mamayang gabi kung sakaling sumama ako sa kanya?

"Yui, ano ang gagawin mo kapag hindi mo na alam ang gagawin?" Tanong ko kay Yui.

"Hah? Eh di mag hahanap ng gagawin." Sagot niya.

"Hindi. Paano kung confused ka sa isang bagay?"

"Ano? Labo mo. Deretsahin mo nga."

"Eeh! Basta. Wala ka talagang kwenta."

"Deretsahin mo kasi para mabigyan kita ng advice. Tss!"

"Wag na lang. Tsk."

Pero gusto ko talaga ng advice.

"Kung confused ka, ask your self. Parang sa pamimili mo ng manliligaw. Example, si Kit at Ian-"

"Yui!"

"Example nga eh! Makinig ka kasi.Tignan mo kung sino ang worth it. Piliin mo kung sino 'yung laman neto." Tinuro niya 'yung puso niya. "Baka magsisi ka sa huli kapag di mo ginamit ang brain mo at heart."

Di pa rin eh. Ang gusto ko lang namang itanong ay, kung mamahalin ko rin ba pabalik si Ian. Should I take the risk?

Worth it nga ba si Ian? Worth it ba ako para sa kanya? Once that I loved him back, my love for him will surely create ripples of hatred.

Alam ko na ako na lang ang hinihintay niya. Isang OO ko lang, marami nang mababago.

Why I am always looking at negative sides?

"Ikaw ang makakasolve ng problema mo. Hindi ako, hindi rin ang mga taong nasa paligid mo."

Huminga ako ng malalim at tumango. Tama si Yui. Ako lang talaga ang makakasolve ng problema ko.

Living With my Step-Brother [completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon