#3 Tapos Na

531 22 18
                                        

Kapag nakita kita
Wag kang magtaka
Kung wala na ang aking pagsinta
Kung iniiwasan ka na
Kung nilalayuan ka na
Kung hindi na nag-aalaa
Kung hindi na ngumingiti kapag nasisilayan ka
Kung hindi na tumatawa sa iyong pagsasalita
Kung hindi na nagmamadaling makausap ka
Dahil naalala mo pa ba?
Naalala mo pa ba ng bitawan mo ang aking kamay sa gitna ng dilim
Dilim na ikaw ang nagbibigay liwanag
Dilim na binibigyan mo ng kulay
Dilim na ikaw ang nagbigay buhay
Buhay na ikaw rin pala ang papatay

Naalala mo pa ba ang mga salitang...
Kamusta ang araw mo?
Kumain kana.
Nakauwi kana?
Okay ka lang ba?
Miss na kita.
Ingat ka
Mahal na mahal kita
Magpapakasal pa tayo ah
Naalala mo pa ba?
O kinalimutan mo na
Ang pagpapalitan natin ng mga mensaheng
Paulit ulit pero nakakapagpabilis ng tibok ng puso ko

Pero mas naalala ko ang sinabi mo
'Di ko na kaya mahal ko'
Oo mahal ko ayan ang sinabi mo
Bakit mahal ko? Saan ba ko nagkulang?
Nagkulang ba ako sa pagtatanong kung kamusta ka?
Nagkulang ba ako sa pagpapaalalang kumain kana at ingat ka?
Nagkulang ba ako sa pagpaparamdam na mahal na mahal kita?
Ako nga ba ang nagkulang?
O nagsawa ka lang?

Nasaan na ang mga pangako mong
Di kita iiwan
Di kita pababayaan
Di kita bibitawan
Ikaw lang
Nandito lang ako
Papakasalan pa kita
Nasaan na?
Nasa iba na ba?
Mahal, mahal na mahal pa rin kita
Kaya pwede bang bumalik kana?
Parang tanga diba?

Sabi nila humanap na ako ng iba
Paano ko makakaya?
Kung ikaw pa rin pala
Mahal, hindi lang isa kundi dalawa
Dalawang beses mo ng iniwan ang tayo,
Ang ikaw at ako para sa kanya
Pero nagawa kong tanggapin ka
Siguro nga tama sila na tama na
Dahil wala ng laban ang tayo, ang ikaw at ako
Dahil mayroon ng ikaw at siya
At wala ng tayo
Nakakatawang ang pangarap ng ikaw at ako
Ay tutuparin ng ikaw at siya
Ang sakit isiping ang mahal kita, mahal mo ako
Ay naging mahal ka niya, at mahal mo siya
Siguro nga tama na dahil ang sakit sakit na.

Mahal, paalam na.
Wala na ang lahat.
Wala ng, Kumusta ang araw mo?
Kumain kana.
Nakauwi kana?
Okay ka lang ba?
Miss na kita
Wala na ang lahat
Pero palagi ko pa ring sasambitin.
Ingat ka.
Paalam na.
Mahal ko

Tapos na || Maria Luizza Gadi

Spoken Word PoetryWhere stories live. Discover now