#2 Panaginip

534 3 1
                                    

Maihahambing ko ang relasyon natin sa PANAGINIP.

Minsan masaya, yung tipong hindi ko pansin ang gabi.
Hindi ko na tuloy mabitawan ang kamay mo kahit na pasmado ka.
Ang ganda mo talagang pagmasdan.
Hindi tuloy ako makapalag sa yakap mo kahit na di na ko makahinga.
Ang saya.

Minsan nakaka excite, yung bang hindi ako makatulog sa kakaisip sayong hinayupak ka. Puyat na naman ako. Okay lang. Basta, makita lang kita ulit. Naalala ko na naman yung mga sweet words mo, na hanggang salita na lang.

Minsan nakakabitin, yung ayaw ko ng tumayo kaso kailangan na nating umuwi. Pwedeng pa extend? One hour lang. 15 pesos lang naman, diba. Please? Love mo talaga ko noh? Hinatak mo ko paupo pero bigla mo kong tinulak. Mahal mo ba talaga ko?

Minsan nakakabaliw, yung paulit ulit kang naglalaro sa utak ko. Nakapikit na ko't lahat lahat, ikaw pa rin ang nakikita ko. Nakakaadik no? Alam mo, hindi na nga ko nagtutuli pero rinig ko pa rin ang boses mo. " I love you, " yun ang sabi mo.

Minsan nakakakaba, yung merong TAYO pero hindi naman legal. Ano 'to? Hide and seek with your parents. Tinatago mo ba ko o baka naman ayaw nila sa kin. Ipaglaban mo naman ako. Ako lang ba ang nagmamahal dito? Nakakaiyak.

Minsan malungkot, yung panahong nagkatampuhan tayo tapos walang gustong umimik. Anong gusto mong mangyari?
Pareho naman tayong may mali, ayaw lang nating magbigayan. Pano na?
Isang problemang walang solusyon na naman. Badtrip!

Minsan malabo, yung okay naman tayo pero bigla na lang magkakagalit. Anong problema? Monthly period. Ako ba? Magsalita ka naman kasi, makikinig naman ako. Eh ikaw? Makikinig ka rin ba? Walang gustong magpatalo. Yun ang mahirap.

Minsan nakakatakot, yung nagkainitan tayo tapos hiwalayan ang sagot. Wala bang mas magandang paraan? Hindi ka lang nabigyan ng candy, nagwawala ka na. Ang masaklap, humingi ka sa iba. Hindi ba natin kayang pag usapan? Tapos na ba?

Minsan nakakaiyak, yung kakasabi mo lang na mahal mo ako tapos bigla kong malalamang pinalitan mo na ko. Ganun lang ba talaga kadali? Wala ba talaga kong parte sa buhay mo? Naging mahalaga ba ko?

Minsan bangungot, yung puro sakit na lang, hindi makagalaw pero may aray. Ramdam ko na ang pawis dahil sa iba't ibang emosyon. Mahal na mahal kita pero sorry, kailangan ko ng gumising para bumangon. Salamat.

Tapos na ang panaginip.

Tapos na.

PANAGINIP | 30, October 2018
Rev Esguerra

Spoken Word PoetryWhere stories live. Discover now