#11 Siya Pa Rin Ba?

197 9 1
                                    

Para Kay Nadine Lustre na minsang nag mahal at  nasaktan

Malinaw na tanong para sa malabong sagot.

“ Siya pa rin ba? “

Gusto ko lang malaman kung nakalimot ka na ba?
Ikaw na nakikinig at dinaramdam ang sakit.
Pilit binabalikan Ang kilig. Ang ngiti.
Ang lambing ng kanyang mga brasong yumakap sayo
Na nagpapagaan sa pagod mong katawan
Ang boses na nagpapabilis ng tibok ng puso mo
Na tumutunaw sa galit mong mukha
Ang kamay na mahigpit Kang Hinawakan
Na nagbigay ng kasiguraduhang hindi ka iiwan

Iniisip mo pa rin ba ang pangako niyang ikaw lang at wala ng iba?
Hindi iiwan. Hindi ipagpapalit.
Hindi susukuan. Hindi bibitawan.
Pero sa haba ng inyong pinagsamahan,
Sandaling oras lamang ang nagamit para Ito ay wakasan.

Maraming tanong sa isip.
Ano bang kulang ko?
Bakit ka sumuko?
Wala na ba talaga?
Ako ba ay mahalaga?
Tanging ikaw lamang ang makakasagot nito.

Mahal, Yan yung tawag mo sa kanya
Na hindi mo nakalimutang iparamdam
Sa kabila ng sakit, hinagpis, at di mabilang na problemang pinagdaanan ninyo.
Siya pa rin ang mahal mo.
Yung iniintindi mo ang ugali niya.
Yung pagod ka na
Yung luhaan na.
Kinakaya mo pa rin dahil
Siya ang mahal mo.

Ang lahat ng sakripisyo ay nabaliwala
Dahil natapos na, ang ikaw at siya
Wala ng kayo
Sa oras na ito, gusto kong sabihin sayo.
Ang luha ay may kapalit na ngiti.

Siya pa rin ba?
Rev Esguerra

Spoken Word PoetryWhere stories live. Discover now