#12 Corona Virus

248 8 0
                                    


Sino bang hindi Nakakakilala sa Corona Virus?
Isang epidemyang walang kinatatakutan
Na tila ba hindi natin makita ang katapusan
Sinisira ang ekonomiya kahit ng mga naghihikahos

Marami ang natatakot, kinakabahan at di Alam ang gagawin
Nawawalan ng pag-asa at napupuno ng kabog sa dibdib
Dahil sa parami ng Parami ang bilang ng positive
Na minsang nauuwi pa nga sa kamatayan
Ngunit dapat nating tandaan at d kalimutan
Na may mga taong gumagaling pa rin.

Tulungan at palakasin natin ang loob
Ng mga PUI, PUM at positive sa Covid-19
Simulan nating sila’y Idalangin at kumbinsihin
Na ang virus ay Kaya Nating itaob

Tignan Nating mabuti ang sakripisyo ng mga Frontliners
Na ngiti at tapang ang dala sa pagbubuwis ng buhay
Maipaabot Lang ang pag-ibig sa buong Pilipinas
Kahit pagkasira ng pamilya ay naghihintay

Kaya kaibigan, huwag Nating sayangin ang kanilang paghihirap
Ipaabot natin ang simpleng mensahe ng pakikipag-isa
Upang malaman nilang kasama natin sila
Sa labanang hindi dapat kumurap

Oo nga pala, Hindi natin kalaban ang gobyerno,
At lalong Walang magagawa ang ating pagrereklamo
Ito ang kailangan natin, ang makinig at sumunod
Sa simpleng social distancing at stay home

Magalak tayo sa bigay ng pamahalaan
At tigilan na nating sumigaw ng “ kulang ito “
Dahil lahat naman tayo ay nangangailangan
Kaya kaibigan, magtulungan na tayo.

Corona Virus | April 6 2020
Rev Esguerra

Spoken Word PoetryWhere stories live. Discover now