#9 Sino Siya?

235 9 2
                                        

May ipapakilala ko sayo,
Ops teka teka wag kang ma excite,
Hindi sya si mahal na minsan kang pinasaya
Sinabihan ng matatamis na salita
O diba’t sa bawat ngiti niya, kinikilig ka pa
Pero sa bandang huli, natapos din ang lahat.

Eto na. Ipapakilala ko na sayo,
Isang tanong
Handa ka na bang makilala Siya?
Isang sagot? Pumili ka lang sa dalawa.
Oo o hindi.
Baka naman pedeng matuto ka na
Sa pagkakamaling d ka naging handa
Sa relasyong may katapusan pala.

Sana naman handa ka ng makinig.
Alamin kung sino Siya.
Pero gusto mo bang makilala?
Huwag ng mag dalawang isip,
Dahil ito ang hindi mo nagawa.
Hindi mo muna kinilala si ex
Bago mo sinagot
Kaya sa dulo, ikaw ang nasaktan, bes.

Handa ka na ba?
Siya.
Siya ang kasama nung simula.
Kung paano likhain ang mundo.
Siya ay nagkatawang tao
Bilang pag sunod sa lumikha
Siya rin ang nagturo
Sa labindalawang disipulo
At iba pa

Siya
Siya yung nagsabi
Na kung mahal mo ako,
Susundin mo ang aking mga utos
Hindi katulad ng linyahan ni ex,
Do you love me?
Make me happy.

Makinig ka.
Siya yung hinatulan ng kamatayan,
Sa kabila ng pag ibig na kanyang ibinigay
Siya yung hinampas ng walang humpay
Siya yung pinagkaisahang pagtawanan
Siya yung tumayo para pasanin ang krus
Nasaktan pero nagpatuloy
Napagod pero nagpatuloy
Duguan at pawisan pero nagpatuloy
Siya yung luhaan na piniling masaktan
Siya yung namatay
At sa huli,
Tayo pa rin ang Kanyang pinili
Upang mahalin at hindi ipagpalit.

Pero alam mo,
Siya yung nagmahal
Tapos ipinagkanulo
At ikaw
Ikaw yung minahal
Tapos iniwan.
Ang sakit. Diba?

Ito ang kanyang biyaya.
Niligtas Niya tayo sa kamatayan
Dugo ang ang naging kabayaran,
Makinig kang mabuti.
Minahal niya tayo nang totoo.
Hindi lang sa una, gitna kundi hanggang dulo
Siya ang pumili sa tin para maligtas
Ito ang kailangan nating gawin
Ang maniwala

Maniwala na Siya lang ang daan, katotohanan at buhay,
Wala nang iba pa
Sasabihin ko ng malinaw
Pananampalataya ang kailangan.

Dahil
Siya
Siya ang kulang mo
Na handa kang ipaglaban,
Hindi katulad ni mahal na ikaw ay iniwan
Muli ipapakilala ko Siya sa inyo.
Siya si, Kristo Hesus.

Sino Siya?
Rev Esguerra

Spoken Word PoetryWhere stories live. Discover now