#13 Haligi Ng Tahanan

253 9 0
                                    

Mahal niya ko
Si Tatay.
Hindi ko man narinig mula sa kanyang bibig
Nasaksihan naman ng aking mata
Ang kwento ng kanyang pag mamahal
Hindi ipinahayag pero nabunyag.

Bakas pa rin ang ngiti ni Tatay
Kung Pano niya ko yakapin.
At ipasan sa likuran
Na minsan ay nakaupo pa sa balikat

Si tatay ang pumalo sakin.
Upang itama ang pagkakamali
Na pinagtatawanan ko lang.
Dinisiplina niya ko.

Si tatay ang naging inspirasyon
Pinasaya niya ko
Para ituloy ang Laban
Kahit ilang beses na nabigo

Si tatay ang nagpunas ng luha
Nagbigay sa’kin ng katatagan
Sinasabing “ kaya mo Yan! “
Kaya, hanggang ngayon nakatayo pa rin ako

Ngayon, malaki na ko.
Ako naman...
Si tatay
Mahal ko rin siya

Haligi ng Tahanan
Rev Esguerra

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 22, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Spoken Word PoetryWhere stories live. Discover now