Palagi mong sinasabi na ako ang mahal mo.
Walang oras na hindi mo nasabing masaya ka sa piling ko
At sa lahat ng pagkakataon ako ay iniingat ingatan mo.
Ang lahat ng iyon ay isa na lamang nakaraan.
Bakit nag-iba ang lahat?
Hindi mo na ko malapitan.
Wala na ang dating saya.
Hindi mo na ko matignan.
Wala na ang dating sigla.
Nagbago na talaga ang lahat.
Nagsimula ang lahat sa kalungkutan.
Ako ay iyong iniwan, pinili mong ipagpalit at kalimutan
Laging tinatanong sa sarili, Bakit siya pa?
Sa dami ng babae, bakit kaibigan ko pa talaga.
Ang saya-saya sanang balikan
Ang mga pangako mong masarap lang pakinggan
Pero tapos na ang lahat
Kaya wala ng saysay pa ang kahapon
Na ikaw ang kasama
Habang nakikinig sa munti mong banat
Na wala namang katotohanan.
Masaya ka na sa iba
Kaya wala na talagang halaga
Ang relasyon nating ipinagpalit mo na lang basta
Wala na. Wala na talaga.
Kaya itatak mo sa durog na bato
Matatanggap ko rin ito
Ang sakit ay matatapos din
Katulad ng pagmamahal mo sa kin.
Wala na ang dating tayo.
Tapos na.
Kaya kakalimutan na kita.
Paalam.
Dating Tayo
Megan Esguerra
