Nakatayo.
Nakatulala na naman ako.
Napasandal sa pagod na nadarama.
Hindi alam ang gagawin.
Malayo na ang narating ng diwa pero...
Biglang napatitig sa pandesal na naiwan,
Bago lang at mainit init pa—katulad ng paghanga ko sayo.
Oo, gusto kita.
Hindi ko maamin sayo pero tiyan ko na ang nagsalita, kumukulo na.
.
Pwede ba kitang lapitan?
Ibubulong ko lang naman sayo na “ GUSTO KITA. “
Pero natatakot ako na baka...
Baka pagtawanan mo ko,
Baka di ka maniwala,
Baka iwasan mo na ko,
Baka di mo ko gusto,
Baka mawala ka na,
Baka... baka... baka...
Baka ipamukha mo sa’king “ HINDI MO NGA AKO GUSTO! “
.
Nakakabaliw na di ko malaman ang dahilan,
Nahulog na ko sayo.
Hulog na hulog na.
Kailan ba ‘to nagsimula?
Nung bumangon ba ko sa higaan?
Nung hinanap ko ang almusal.
Nung napatitig ako sayo.
Nung kumulo ang aking tiyan.
Nung naagaw mo ang atensyon ko.
Hindi ko alam pero basta,
Ang ganda mong pagmasdan kaya nakimutan ko na ata ang salitang “ PAGKURAP. “
.
Nakakatawang pakiramdam, gusto kita.
Gustong gusto kitang ilagay sa’king tiyan.
Huwag kang mag alala.
Wala kong balak na i-tae ka.
Alam mo, yung amoy mong nagtatago sa ilong ko.
Masyadong matapang pero ayaw ko ng tanggalin.
AYAW KO NG TANGGALIN.
Ito na lang kasi yung kusang lumalapit sakin, kahit isang minuto lang ang tinatagal.
Bat ganun?
.
Sana alam mo rin na hindi ko na mabilang ang mugmog sa lamesa na siyang paglitaw mo sa dingding ng kwarto ko.
Nakakahibang na hindi ko malaman ang dahilan.
Basta...
Gusto kong makita ang ‘yong mukha.
Gusto kong maamoy ang’ yong buhok.
Gusto kong pagmasdang mabuti ang iyong mga mata.
Gusto kong sabayan ang iyong pagngiti.
Gusto kong maglapat ang ating mga kamay.
Gusto kong magtama ang ating mga mata.
Gusto kong makipag usap sayo, sinta.
Gusto kong ak...
.
Huh? Teka! Teka-teka.
Ano ‘tong mga sinasabi ko?
Nahihibang na naman ako.
Hindi ko na maunawaan.
Nalilito na talaga ko.
Hindi ko na alam.
Ewan ko na.
Maliban sa linyang hinahawakan ko na’ to, ‘ANG LAHAT NG GUSTO KO AY ISANG MALAKING SANA. ‘
Sana hindi lumamig ang pandesal katulad ng paghanga ko sayo,
Pero wala kong magagawa.
Bakit kasi nakatitig lang ako?
Bakit hindi man lang malapitan?
Bakit hindi ka mahawakan?
Bakit ako nahihiya?
Bakit?
.
Nakalimutan ko.
Hindi ka nga pala sa’ kin.
Dahil naiwan ka lang naman dyan
At saktong ako ang nakakita sayo.
Nakakaloko.
Naiwan ka nga lang ba o sadyang nag-assume lang ako,
Pero kahit ano pang tama sa dalawa.
Handa na ko.
Handa na ko kaya kukuha lang ako ng panulak,
Para siguradong sa’kin ka mapupunta.
Wait lang.
Teka lang muna.
Sandali lang ‘to
Mabilis lang
Huwag kang mawawala, babalik ako.
Dyan ka lang.
Dyan ka...
Dyan...
.
Na’ san ka na?
Kung kailan namang kaya ko na, saka ka nawala.
Hindi ko agad naisip na
Masamang pinaghihintay ang pagkain lalo na kung hindi naman para sayo.
Sorry.
Kape yung nadampot ko: mainit, malinamnam, at tamang tama sayo,
Pero hindi mo naman pala gusto, katulad ko.
Kaya ngayon, hawak ka na ng iba.
.
Nakakalungkot.
Ano bang pakiramdam ‘to?
Nasasaktan ako.
Parang... parang naluluha ako.
Hindi ko alam.
Hindi ako mapakali.
Ano ba’ to?
Malamig na pandesal,
Mainit na kape.
Pandesal na hanggang tingin lang ako,
Kapeng hawak hawak ko na
Hindi ko na mabitawan ang kape
Naaadik ako sa amoy.
Ang sarap
Mainit, pero ayos lang.
Pandesal?
Hindi naman masakit.
Teka? Ang bilis naman.
P-pa-paghanga lang ba talaga ‘to?
Paghanga lang.
Mabilis maglaho.
Mabilis mawala.Pandesal || Rev Esguerra
![](https://img.wattpad.com/cover/68854871-288-k360308.jpg)