Laging nakatingin sa’ting larawan
Pagpikit man o pagdilat
Hindi titigil kahit ako’y iyong iniwan
Sa gitna ng mga maliliit na awayBinabalikan ko pa rin ang kahapon
Na ikaw ang katabi sa upuan
Kayakap ka’t hawak ang yong kamay
Na unti unting bumibitawHindi ka na babalik.
Yan ang linyang nagpagising
Sa puso kong nagbabakasakali
Kaya mahal, paalam na.Panandaliang naging magkasintahan
Bumuo tayo ng maraming pangarap
Kasama ng di mabilang na pangako
Na kinulang sa gawa. Bakit?Kakalimutan na kita, totoo na.
Wala ng atrasan kahit ang sakit sakit
Kasi hindi na ‘to maduduktungan pa
Kaya tama na. Okay na!Sana alam mo.
Laman ka ng aking puso, pero
Tatanggalin na kita, tanggap ko na
Dahil sa akin, wala ka na.Tatapusin ko ang aking sinimulan
Ikaw at ako sana’y di nagtagpo
Tayong dalawa ay hiwalay na
Hindi na magkakabalikan pa, tapos na.Suko Na
Rev Esguerra
To the woman who left me
