#4 Lindol

644 22 6
                                    

Magnitude 1

Isang pusong walang nararamdaman
Na naghahanap ng paraan,
Kung paano muling matatagpuan
Ang tamis ng pagmamahal.
Sa sobrang hina ng pagyanig hindi ko na lubos maisip kung  ano ang pakiramdam
Kapag natagpuan na ang tunay na pag-ibig.

Magnitude 2

Pusong nagmamahal ng totoo
Ikaw Ang aking gusto
Kaso Hindi ako ang tipo mo
Hindi ako perpekto
Pero buong pusong nangangako
Mamahalin Kita ng todo-todo
Babagtasin ko ang bundok gaano man kalayo
Mapatunayan lang Ang pag ibig ko sayo
Kahit iba ang sinisigaw ng puso mo
Kahit hindi ako Ang lalaking pangarap mo
Sino ba ko para maging Mundo mo?
Sino ba ako para maging bahagi ng buhay mo?
Hindi kailanman magiging tayo.

Magnitude 3

Mahal Kita Kahit wala kang pake.
Balewala man ako sayo
Dahil Hindi Naman ako mahalaga
Pero bakit parin ako nato torete?
Sa tuwing naiisip ka, di ako mapakali
Ang kalimutan ka’y Hindi sakin madali.
Ikaw na Kasi Ang Mundo ko
Ikaw Lang Ang hinahanap ko sa bawat sandali.
Laging nagbabasakali
Hinihiling na sana.. Sana may pagtingin ka rin sa akin
Kahit imposible,
Kahit Hindi pwede
Mamahalin parin kita kahit ano pang mangyari.
Ikaw pa rin

Magnitude 4

Tadhanang sadyang mapagbiro
Bakit pa kailangang magtagpo
Ang Hindi itinadhana?
Bakit pa pinaglapit
Ang Hindi magkatugma
Bakit pa Kita kinilala
Kung kakalimutan ka rin naman pala
Ang hirap nang gumalaw
Pagkat naiisip ko’y ikaw.
Kung di Rin Lang naman pala ikaw
Bakit hindi nalang ako bumitaw?
Bakit kailangang pang pilitin Ang ayaw?
Bakit pa hahayaan Ang sarili na maligaw?
Tama na.

Magnitude 5

Tama na Ang taguan
Simulan na Ang bunyagan
Sabihin na Ang tunay na nararamdaman
Upang sa huli’y Hindi na masaktan ng lubusan
Tayo na’t magkaalaman
Sabihin na ng harapan
Aminin na ng tapatan
Pag usapan na ng agaran
Upang tunay ko nang malaman
Kung kailangan pa ba kitang ipaglaban?
Kung itutuloy pa ba o dapat na kitang tigilan?

Magnitude 6

Lumalakas na Ang pagyanig
Tulad ng puso Kong bumibilis Ang pagpintig
Nangangarap na iyong marinig
Ang bawat pantig na aking binibigkas
Hinihiling na Hindi na Sana magwakas
Magwakas Ang mga oras
Na kausap kita
Mga oras na kasama Kita
Mga oras na napapasaya Kita
Dahil
Naalala ko Ang iyong mga mata
Sa tuwing umiiyak ka
Ako Ang panyo mo na dumadampi ng iyong mga luha.
Ngunit Sana malaman mo na nasasaktan ako.
Sa tuwing may kasama kang iba.

Magnitude 7

Aminin na Ang dapat aminin
Gagamitin ko na Ang pagkakataon
Dahil Kahit anong baon
Ay malalantad pa Rin
Puso’y atin nang siyasatin
Masakit mang isipin
Na Ang iyong matamis na pagtingin
Ay Wala palang ibig sabihin
Pilitin nating alamin Ang tunay na damdamin
Ang pangarap na ako’y iyo ring mamahalin
Ay siya lamang natatanging pangitain
Ngunit dapat nating tanggapin
Na Kahit ano pang gawin
Hindi aayon Ang tadhana sa atin

Magnitude 8

Hindi masagot ng mga bakit
Kasabay ng malakas na paggalaw
Ay Ang Hindi matapos-tapos na pasakit
Ngunit sa kabila ng balakid
Pinipilit parin Ang sarili na kumapit
Iindahin Ang lahat
Kahit Ang sakit
Kahit kaligayahan ko pa Ang maging kapalit
Dahil Alam mo ba kung ano ang mas
Masakit?
Ang magmahal ng walang kapalit
Ang magmahal sa taong Hindi ka kayang mahalin pabalik

Magnitude 9

Tapos na Ang paghihintay
Handa nang ibigay
Kalayaang iyong hinihintay
Ang buhay ko na sayo inalay
Mauuwi Lang pala ang lahat sa goodbye
Alam kong masakit,
Pero kailangan nating tanggapin Ang katotohanan
Katotohanang mahirap paniwalaan
Ngunit dapat nating maunawaan
Ang palayain ka’t kalimutan
.
Magnitude 10

Sana’y iyong dinggin
Dinggin itong aking huling habilin
Tanging hiling ko lamang
Gabayan ka sana ng mga bituin
Sa bawat mga gabi mong madilim
At malamig na simoy ng hangin
Sa muli nating pagkikita
Iyo sanang tandaan at itatak sa iyong isipan
Kahit nasa dulo na Ang ating walang hanggan
At Ang puso nati’y wala ng nararamdaman
Wag mo sanang tuluyan makalimutan
Ang mga araw na ating pinagsamahan
Kahit sablay, ngunit marami akong natutunan
Kaya salamat
Dahil natutunan Kong magmahal ng Walang humpay
Kaya Sana
Sana maging masaya kana sa bago mong buhay na wala ako
Hanggang sa muli
Paalam.
Mahal ko

Lindol || El John Cabildo

Spoken Word PoetryWhere stories live. Discover now