" Wayne sigurado kabang gusto mong iwan ang sanggol dito? Nalaman ko na ang Tito at tiya niya ay ang pinakamalalang uri ng mortal na puwede mong makaharap. Lassengero ang kanyang Tito at ang kayang tiya naman ay sugalera. Bakit hindi nalang natin siya palakihin bilang isang Hunter?" Tanong ng isang babae.
" Hindi puwede. Ito lang ang tanging paraan upang mailigtas ang batang iyan. Isa pa hindi siya gagambalain ng kalaban kung siya'y lalaking walang alam. Mas madali nilang matutunton ang bata kung siya'y palalakihin sa ating piling. Isantabi mo muna ang pag aalala dahil nasa kanya naman ang medalyon"Sagot ng matandang lalaki.
Eto nanaman.. Iyong panaginip ko.
Pero sa pagkakataong ito kailangan kung matapos ang panaginip." ngunit Wayne paano kung---?"
" EJ!!!!!!!!" Sigaw ng maarte kong pinsan dahilan upang ako'y mapabalikwas sa aking panaginip at maibalik ang diwa sa realidad.
Pakshet naputol nanaman ang panaginip ko.
" EJ!!!!!!!" Muling sigaw ng aking pinsan na si Elaine.
Agad akong bumangon mula sa aking higaan at huminga ng malalim. Hay eto nanaman tayo.
Pinagmasdan ko ang aking kwarto.
Wala paring pinagbago. Naroon parin sa may dingding na bitak bitak na asul na pintura ang litrato ng isang babaeng naka bikini.Ang aking kama na gawa sa papag at ang unan na ubod ng tigas na nakasanayan ko ng higaan. Ang kumot na talagang Kay nipis na makikita mo na ang kahoy sa papag kahit takpan mo ito ng kumot.
Sa isang sulok naroon ang dalawang maliit na kahon na pinaglalagyan ng damit ko. Isang electric fan na walang casing at litaw ang elese kaya paniguradong kapag napalapit ka dito ay masusugat ka.
Naroon parin sa sulok ang isang maliit na goyang tsokolate na linagyan ng pulang laso na ibinigay ni Regie noong biyernes.
Tama ngayong araw pala ang ikalabing anim na kaarawan ko at paniguradong hindi ito maalala ni tiyo at tiya.
" EJ!!!!!" Muling umalingawngaw ang mala ambulansyang tili ng kanyang pinsan.
Dahilan upang ako'y magmadali palabas ng kwartong kanyang pinagsawaan.
Hinawakan ko ang medalyon sa aking mga leeg at palihim na humiling na sana may mangyaring iba naman sa kaarawan ko.
Pagkalabas ko ng kuwarto ay tinahak ko ang daan patungong salas at naabutan ang aking pinsan na nakatungtong sa sofa habang dinuduro ang isang gagamba sa baba.

BINABASA MO ANG
The Treasure Hunter
AdventureSi EJ ay isang ordinaryong binata. Ka sama niyang nakatira sa isang bubong ang kanyang tiyong lassengero at tiyang palasugal. Idagdag mo pa ang pala utos niyang pinsang babae na si Elaine. Sumasideline din ang binata sa pag iistreet fighting para s...