Napatayo sa kanyang kinauupuan si Ginoong Julian. Kasabay nito ay ang pag ilaw ng kanyang tatoo na gaya sa akin ay nakalagay sa may bandang pulsuhan parang Ewan lang dahil ang kanyang baston ay nag iba ng anyo at naging espada.
At saktong sakto namang humangin kaya sumabay sa hangin ang mahaba niyang buhok na talagang pang komersyal ng creamsilk ang datingan. Hahahahaha laptrip amp talaga.
" Luna, gaano karami ang ating mga panauhin?" Tanong ni Ginoong Julian.
" Marami po lolo. " sagot ni Luna.
" Anong klase? itim, puti, asul o pula?"
Panandaliang namayani ang katahimikan sa kuwarto.
" Magkasama po ang pula at itim." Sagot ni Luna.
Pagkasabi na pagkasabi niya noon ay madaliang lumabas kaming apat sa silid.
Nakaririnig ako ng kaluskos sa bubong na para bang may naglalakad sa itaas neto. Nakabibinging pagtiktik din ng mga butiki ang humambalang sa aming mga pandinig.
May mga kumakalampag din ng nga bintana. Hindi ko batid kung anong klaseng mga nilalang ang gumagambala sa amin.
" Anong nangyayari?" Tanong ko.
" Mga aswang, papatayin tayo." Simpleng sagot ni Luna sabay paputok ng baril sa bubong. Nakarinig ako ng matinis na palahaw at ang butas na pinagdaanan ng bala ay may lumalabas na dugo.
Bleeech, parang hindi na ako makakakain pa ng fried chicken with ketchup.
" Totoo ang aswang?!"
Napairap si Luna.
" Eh diba nakita mo na ngang pinatay ko? Malamang totoo." Iritableng sagot ni Luna
At saktong Sakto namang bumagsak ang isa sa mga salamin ng bintana. Doon lumabas ang isang tao na may matatalim na pangil at nanalisik ang mata.Hmmm siguro kaya matalim ang pangil niya kasi nasa lahi.
Itim ang kanyang kulay at pulang pula ang mata. Hindi ko alam kung anong klaseng droga ang tinira ng tao na ito dahil umaabot pa sa punto na tumutulo ang laway niya.
T*ng in* mukhang hindi rin ito naliligo at nagsusuklay dahil ang buhok niya'y punong puno ng split ends. Hindi gaya ng buhok ni Ginoong Julian na pwedeng pwedeng talunin si Heart Evenghelista (ay Escudero na pala si Ateng) sa komersyal ng creamsilk.
Napuno narin siguro siya ng libag kaya kulay itim na ang kanyang kutis. At kaya siguro matatalas ang kuko niya ay dahil Hindi pa siya nakapag nailcutter.
Tama! Hindi naman kasi totoo ang aswang.
May sound effects pa nga na blreech screeech at kung ano ano pang sound effects na puwedeng mang galing sa katulad niyang nakahigh at grabe umutot pa nga.
Lumapit ako para mag-abot ng diatabs dahil baka nagtatae siya.
" Gamitin mo itong diatabs. Mabibili ito sa mga drugstores at napakadali pa nitong dalhin. Anytime! Anywhere"
" salamat pre." Sagot niya
Tiningnan ko sila Luna at Ginoong Julian na noo'y nakatingin sakin na tila nagtataka. Bakit masama bang mamigay ng diatabs?
Bleeech screeeh!
Nagulat ako ng bigla akong sunggaban ng nilalang na tinulungan ko.
Kakagatin niya na sana ang leeg ko ng may biglang tumusok sa likod niya. Aruuy! Yuck! Puwee!
Tumalsik ang dugo ng tao sakin.
BINABASA MO ANG
The Treasure Hunter
PertualanganSi EJ ay isang ordinaryong binata. Ka sama niyang nakatira sa isang bubong ang kanyang tiyong lassengero at tiyang palasugal. Idagdag mo pa ang pala utos niyang pinsang babae na si Elaine. Sumasideline din ang binata sa pag iistreet fighting para s...