Ding dong ding dong....
Magtatakip silim na
Patuloy ang pag dodoorbell namin sa mansyon nila Luna.Mala palasyo ang bahay nila at nasa liblib pa itong lugar. Mukha itong isang lumang bahay na pang mayaman noong panahon ng mga hapon. Tanaw ang maraming halaman sa loob. Kaya pala kinakailangan naming sumakay ng chopper dahil nasa tuktok pa ito ng bundok.
Maya Maya pa ay may nagbukas na ng gate. Bumungad sa amin ang mukha ng isang 18 year old na lalaking naka bonnet na itim. Nakasuot siya ng simpleng maong na short at isang checkered printed na longsleeve na bukas at isang plain white t-shirt sa loob Mukhang siya iyong tipo ng taong hindi natutulog dahil sa lalim ng eyebugs.
Sobrang puti rin ng lalaki at parang hindi siya nasisinagan ng araw. Edward Cullen ang datingan dahil kulay brown ang mata at buhok ng lalaki.
Kung susumatotahin may angking kagwapuhan din ang lalaki iyon nga lang Mas gwapo ako.
Smarty rin siyang tingnan dahil sa suot niyang glasses.
" Boss!" Bati nung lalaki at lumapit siya Kay Luna para yakapin pero inambaan siya ng rifle ni Luna.
Esssh napakabrutal talaga ng babaeng ito.
" Zed! Diba sinabi ko na huwag mo akong tatawaging boss? Ang kulit mo rin ano?" pahayag ni Luna.
" Sorry na pala, nasanay lang kasi ako nung magkakasama pa tayo nila Kane at ikaw ang namumuno ng misyon" Sagot nung Zed .
Ibinaba ni Luna ang rifle at panandaliang nalungkot ang mukha niya noong sambitin ni Zed iyong pangalan na Kane.
Hmm sino kaya iyon?
" ay siya nga pala Ej si Zed, kaibigan ko at Zed eto si Ej" pahayag ni Luna pero mukhang iniiba niya lang ang usapan.
" Ikinagagalak kitang makilala Kuya Zed." Puna ko.
Sabay abot ng kamay ko upang makipag daupang palad.
" The pleasure is all mine Mr. Del Pilar and please tawagin mo na lang akong Zed dahil dalawang taon lang naman ang tanda ko sa iyo" Sagot ni Kuya Zed- este Zed.
" Paano niyo nalaman ang apelyido ko?" Tanong ko Kay Zed.
" Sabihin na lang natin na kilalang kilala ka ng lahat sa treasure hunting world." Sagot sa akin ni Zed.
" Teka anong ibig niyong sabihin--"
" Hep! Bago pa humaba ang usapang ito. Pumasok na tayo sa loob dahil nagugutom na ako. Ej mamaya ay masasagot lahat ng katanungan mo kaya maghintay ka ha?" Pahayag ni Luna at pumasok na sa mansyon.
Sumunod narin kaming dalawa ni Zed.
Ng pagpasok namin sa loob ay pinagpalit kami ng bakya at pinaiwan sa labas ang mga sapatos namin.
Bumungad sa akin ang isang damakmak na lumang kagamitang pangbahay. Naroon ang isang sofa na gawa sa kahoy at mga inukit na pigura ng ating mga bayani.
Naroon din ang ibang mga pinta na sadyang pumukaw ng aking atensyon.
" Hindi bat iyan ang---?"
" Spolarium(1), iyan ang tunay na version at nasa pangangalaga ang ito ng kapatiran. " sagot ni Luna.
Patuloy kaming naglibot. Hindi ko maiwasang humanga sa ganda ng bahay. May portrait pa doon ng pamilya ni Luna.
Lahat sila ay nakasuot ng pormal.

BINABASA MO ANG
The Treasure Hunter
PertualanganSi EJ ay isang ordinaryong binata. Ka sama niyang nakatira sa isang bubong ang kanyang tiyong lassengero at tiyang palasugal. Idagdag mo pa ang pala utos niyang pinsang babae na si Elaine. Sumasideline din ang binata sa pag iistreet fighting para s...