Kabanata 2: Ang Anghel na Nakakulay Itim

23 2 0
                                    

Tiningnan ko ang orasan ko at halos mag aalasais pa lang. Daglian kung kinuha ang dalawang pirasong tinapay na iniwan para sakin at nagtimpla ng kapeng 3 in one.

May pasok pa ako.

Madalian akong naligo at nagbihis isinukbit ang bag na libre Kay Mayor at lumakad na paalis ng mala impyernong bahay.

Haysst happy birthday talaga sakin.

Nagmamadali akong sumabit sa jeep na muntikan ng umalis ng hindi pa ako nakakasakay. May 100 pesos pa naman ako na pagkakasyahin ko ng isang linggo.

Kumbaga pamasahe lang ang kaya kung Iprovide.

Taknidang buhay.

Ng makababa ako sa jeep ay patakbo akong nagtungo sa aking paaralan.

Ng may mabangga akong isang babae sa gate.

Nalaglag ang mga hawak niyang libro. At agad ko siyang tinulungan na damputin ang nga ito.

Nagkahawak ang aming mga kamay at nagkatinginan kami.

Tapos nahulog na ako sa kanya.

Siyempre joke lang iyong nasa itaas. Pero kung ako papipiliin Mas maganda sana kung ganoon ang naging takbo kasing ng magkabanggan kami ng babae at nalaglag ang libro niya ay nakatikim ako ng tulak at maanghang na salita

" Bakit hindi ka tumitingin sa dinaraanan mo? Nangtyatyansing ka lang ata! Pulutin mo iyan" Sigaw niya sakin.

Haysst buong buhay ko lagi na lang akong inuutasan at sinisigawan pero dahil busilak ang puso ko at punong puno ako ng awesomeness at kaisugan ay humingi ako ng tawad.

" Pasensya kana miss. " sabi ko.

Sabay pulot sa mga librong nalaglag. Nagulat lang ako kasi puro tungkol sa history ang libro.

Sa ganda niyang iyan nagbabasa siya ng mga babasahin tungkol sa history.

Ang alam ko mga bababeng naka glasses at naka brase lang ang magmamahal sa ganyan libro. Ang mga tulad niya na magaganda eh ang binabasa niyan ay mga korning love stories tungkol sa mga bad boy at good girl na naiinlove sa isat isa.

Oo maganda naman talaga iyong babae. Itim na itim ang buhok niyang hanggang balikat at ang kanyang itim na itim na mga mapupungay na mata.

Mayroon siyang katamtaman na ilong at napakaganda ng pula niyang manipis na labi. Morena ang kutis niya at naka all black ang get up niya. Naka denim jeans siyang black at T-shirt na black. Nakalugay lang ang buhok niya at naka rubber shoes siya ng vans.

" miss oh!" Sabi ko sabay abot sa kanya ng libro.

Na pansin kung nakatingin siya sa akin o para mas precise doon sa leeg ko. Hala pinagnanasaan ata ako nito.

" San mo nakuha ang medalyon na iyan?" Tanong sa akin nung babae.

Hmm ano kayang nangyayari at parang nagkaroon siya ng interes sakin. Siguro dahil cool iyong meddalion ko.

" bigay iyan ng mga deado kung magulang miss." Sagot ko.

Lumapit siya at inenspekyon ang medalyon. Langya ang bango ng taong ito.

Pagkatapos inspeksyunin ay medalyon ay mukha siyang gulat na gulat.

" Aah pasensya ka na kung na tanong ko."

 The Treasure HunterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon