" ha anong ibig mong sabihin?!"
" Ang ibig ko sabihin Mr.Del Pilar este EJ, blacklisted ang pangalan mo. Isa ka na ngayon sa top wanted sa treasure hunting world sa kadahilanang malaki ang maitutulong mo para mahanap ang treasure." Paliwanag sakin ni Luna.
" Teka Luna wala akong maintindihan. Anong kinalaman ko sa treasure na iyan? Wala naman akong interest sa sinasabi mong treasure na hindi ko naman alam." Sabi ko.
" Maniniwala kaba sakin kapag sinabi ko sa na ikaw lang ang makakahanap ng treasure? Na hinihingi ng gobyerno ng Pilipinas ang serbisyo mo?" Tanong niya sakin.
Panandaliang namayani ang katahimikan. Nagpapanic na ang puso ko. Ano bang pinagsasabi ng babaeng ito? Nasa hustong katinuan pa ba ito? Baka naman nang go good time? Ah alam ko na. Baka stalker ko lang na gumagawa ng paraan para mapansin ko siya.
" Luna, alam mo kasing ganda mo ang pangalan mo. Huwag mo ng aksyahin ang oras mo para makuha mo ang atensyon ko at gumawa ng istorya. Marami pang lalaking andyan para sa iyo. Huwag ka nalang mag imbento ng istorya para mapansin kita. Masyadong kahina hinala ang kilos mo"
" Pero totoo--"
Hindi ko na siya pinatapos pa at ipinatong ko ang daliri ko sa labi niya.
" sssh! Sige na. Okay lang sa akin na ginoodtime mo ako. Naiintindihan ko kung bakit ganito ka nagkakandarapa para sakin. Pero ngayon pa lang sinasabi ko na sa iyo na hindi tayo pwede. Mayaman ka at mahirap lang ako. Isa pa hindi kita type. Masyadong planado ang approach mo sakin. "
" Teka ano bang pinagsasabi mo?!" Sigaw ni Luna. Namumula na ang mukha niya. Nahihiya siguro.
Pero sa halip na tumigil ako ay yinakap ko siya.
" May pabangga bangga kapa ha with libro. " buong ko sa tenga niya gamot ang aking pang Mr.Swabe na boses.
Bago pa man siya mag react ay humiwalay na ako sa yakap at lumabas ng kotse. Tangay tangay ang cake at bag ko. Nagsimula akong tumakbo. Narinig ko ang pagtawag sakin ni Luna pero hindi ko na siya liningon.
Hay naku! Paniguradong sabon ang aabutin ko Kay Mrs. Mercado.
Oo sabon talaga dahil paglilinisin ako nun ng banyo gamit ang sabong panlabang powder, walis ting ting, tabo at balde.
Ng makarating ako sa silid aralan ay nagsisimula na ang klase ng history.
Pasimple akong gumapang sa sahig upang hindi mahagip ng paningin ni Mrs. Mercado. Pero sadyang mapanudyo ang kapalaran dahil ang ultimate kalaban kung si Asyong ay itinuro ako Kay Mrs. Mercado.
" Mam si Emilio ho! Gumapang siya sa sahig. " sigaw ni Asyong.
Nagtinginan ang lahat sakin dahilan upang mapa tayo ako at humarap Kay mam. Langyang Asyong iyan. Bumabawi lang siya sa pagkakapahiya ko sa kanya sa talipapa. Gago kasi eh. Kinokorner niya sa isang alley iyong kawawang si Gregory na medyo paldo.
Binubully nila at pinagbabantaan para bigyan sila ng pera ng mga tropa niya. Kaya ayun ipinamukha ko sa kanya na para siyang batang hamog na nanghihingi ng pera.
Pinagtinginan pa nga kami ng mga tao nun eh.
Kinuha ko iyong 1000 ibinayad sakin ni Mr.Bumbai at ilinagay ko sa kanya ang pera.
BINABASA MO ANG
The Treasure Hunter
AventuraSi EJ ay isang ordinaryong binata. Ka sama niyang nakatira sa isang bubong ang kanyang tiyong lassengero at tiyang palasugal. Idagdag mo pa ang pala utos niyang pinsang babae na si Elaine. Sumasideline din ang binata sa pag iistreet fighting para s...