~•~

33 1 0
                                    

Kilala niyo ba si Ferdinand Marcos? Eh si General Luna? Si Lapu lapu?

Puwes wala si lang sinabi pagdating sa bagsik ng mukha kung ikukumpara sa lolo ni Luna.

Kanina pa ako walang imik dito habang nakaupo sa upuan na tila ba nasa harap ako ng job interview. Iniwan ako mag-isa ni Luna kasama ang lolo niya na parang lalamunin ako ng buhay sa bagsik ng tingin.

" Ikaw?! Si Ej Del Pilar?" Tanong ng lolo ni Luna na sa pagkakatanda ko ay nagngangalang Julian.

Talino ko no?

" a-ako nga--nga nga po po" nanginginig kung sagot.

Tumayo ang matanda at inespeksyon ang aking itsura.
Hawak hawak ang tungkod niyang kahoy.

Para siyang matandang hermitaño sa haba ng buhok pero panot naman ang balbas at bigote niya.

" Ang medalyon? Nasa iyo ba?" Sunod sunod na tanong sa akin ng lolo ni Luna.

" ooo poe" sagot ko.

Pagkatapos ay inilabas ko ang medalyon mula sa aking leeg.

umupo siya sa upuan sa harap ko at kinilatis niya ang medalyon.
Bago tiningnan ang aking mukha
( taragya mukhang type ako Neto ah.)

" Kamukhang kamukha mo si Jose. Hay basbasan nawa ang kanyang kaluluwa." Pahayag ng lolo ni Luna.

" Kilala niyo po ang papa ko?"

" Oo, isa siya sa mga pabirito kung estudyante sa akademya. ay siya nga pala hindi pa ako pormal na nagpapakilala sa iyo. Ako nga pala si Julian Nuetes o tawagin mo na lang akong Ginoong Julian." Pagpapakilala sakin ni Ginoong Julian.

" Ikinagagalak ko po kayong makilala." Pagbati ko.

Kahit na medyo kinakabahan parin ako

" Ay siya nga pala pinapunta ka ni Luna rito dahil ang sabi niya ay marami ka raw na katanungan."

" Siyang tunay! Ginoong Julian nais ko na pong maliwanagan kung ano nga bang klase ng sitwasyon ang kinapapalooban ko." Paliwanag ko.

Ngumiti naman si Ginoong Julian at tila inaasahan niyang mang galing sa akin ang katagang aking mga nabanggit.

" Hay, manang mana ka talaga sa iyong ama. Pwes kung iyon ang gusto mo pagbibigyan kita ano nga ba ang katanungan mo?" Tanong ni Ginoong Julian.

Panadalian akong nagitla. Nagahalo halo ang katanungan sa aking isipan. Hindi ko alam kung anong uunahin ko.

Ano nga ba ang malaking katanungan na dapat masagot?

" Ano po ang dahilan kumbakit ako nandito?" Tanong ko.

Tiningnan ako ng panandalian ni Ginoong Julian at nginitian ako at lumantad sa akin ang maputi niyang pustiso. Ayun naman pala eh. Alam ko na kung bakit mayaman sila Luna. Model ng poledent ang lolo niya hehehehe.

" Sige iho, sasagutin ko ang tanong mo."

" Bago mo maintindihan ang kasalukuyan, kailangan muna nating magbalik sa nakaraan.
Simulan natin noong panahon kung san dumating ang mga unang Pilipino sa Pilipinas. Ang mga aeta o ita at ang mga Malay. Siguro naman ay batid mo na. Mula sa ibang bansa ay naglayag ang pitong datu na sakay sa kani kanilang balangay(1) at sinasabing ang mga iyon ay puno ng mga kayamanan at kasama nilang naglayag ang kanilang mga asawa, anak at uripon(2). Ang pitong datu na ito ay may kanya kanyang medalyon. Ang medalyon ng kagitingan, medalyon ng kabutihan, medalyon ng katapatan, medalyon ng katalinuhan, medalyon ng kababaang loob, ang medalyon ng katapangan at ang medalyon ng pagiging mahinahon.

 The Treasure HunterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon