Hindi umimik si Luna at tila napahiya sa kanyang inasal. Gayunpaman nabasag ang panandaliang katahimikan ng biglang tumunog ang kanyang telepono.
" Hello Zed?"
Luna may sasabihin ako sa iyong magandang balita at pangit na balita.
" Ano iyong magandang balita?"
Nagsi-alisan na ang mga kalaban.
" Ano naman iyong masamang balita?"
Kinuha nila si Ginoong Julian.
Nagkatinginan kami ni Luna at tila parehas na nagulat sa itinuran ni Zed.
At tila nagkakaintindihan ang aming mga isip dahil parehas kaming napasigaw ng ano?!
Pagkatapos ay nagmamadali kaming lumabas ng imbentaryo.
Patakbo kaming bumalik sa lugar kung saan namin iniwan si Ginoong Julian.
Ngunit ang tangi naming naabutan ay ang isang maliit na pilas ng papel.
Patakbong pinulot ni Luna ang papel at tiningnan niya ako bago tingnan ang papel.
" Happy April Fools?!" Sigaw ni Luna at namumula ang mga ugat niya sa ulo.
Mula sa may gilid lumitaw si Ginoong Julian ay lumitaw at tawa ng tawa sa reaksyon ng kanyang bwisit na bwisit na apo.
" Lolo! Huwag naman kayo magbiro ng ganyan. Pramis po hindi nakakatuwa." Reklamo ni Luna.
Sabay yakap Kay Ginoong Julian. O sige siya na sweet.
" Kasama po ba sa punk iyong mga kalaban?" Tanong ko
Kumunot ang noo ni Ginoong Julian. ( Ay hindi pala natural lang iyon)
" Anong punk? Baka prank Ej. " pahayag ni Luna.
" Edi prank, hindi naman kasi ako ganoon ka galing pagdating sa wikang banyaga. " sagot ko.
" Nagkakamali ka Ej, hindi ko sila kasabwat katunayan. Na isip ko lang iyon matapos ko silang talunin. Ay akala ko pa naman pagpapawisan ako sa kanila." Reklamo ni Ginoong Julian. Napaitingin ako sa bibig niya ng walang dahilan at na pansin kung may pangil siya.
Okay Watdapak?! Kailan pa tinubuan ng pangil si Ginoong Julian
" Lolo iyong mga taga- itim po naubos niyo rin ba?" Tanong ni Luna.
Ngumiti si Ginoong Julian. Hindi iyong ngiting maayos. Iyong ngiting kikilabutan ka. Pagkatapos ay unti unting nagbago ang itsura niya.
Parang isang pinturang nagbabakbak ang dating at napaatras ng bahagya si Luna mula sa kanyang lolo.
At unti unting naging katakot takot ang kaniyang itsura.
Tumangkad din ang nilalang. Sa tantya ko ay kaya niyang tapatan ang isang higante dahil halos yumuko na siya kahit sobrang taas na ng kisame ang mansyon. Mukhang nasobrahan ata sa cherifer si kuya. Dumami ang balahibo nito sa mukha. Ang mga mata nito ay purong itim at katakot takot ang laki at bangis ng itsura nito. Buti na nga lang at kahit nag ibang anyo ang nilalang at may suot siyang pantalon. Hmm san niya na kaya nabili iyon? May tailoring shop ba para sa mga higante?
Hinampas niya ang dibdib na hindi ko rin alam kung bakit.
Napaatras pa kami lalo ng bigla itong sumigaw ngRaaaaawwwwwwwrrrr

BINABASA MO ANG
The Treasure Hunter
AdventureSi EJ ay isang ordinaryong binata. Ka sama niyang nakatira sa isang bubong ang kanyang tiyong lassengero at tiyang palasugal. Idagdag mo pa ang pala utos niyang pinsang babae na si Elaine. Sumasideline din ang binata sa pag iistreet fighting para s...