Kabanata 3: Habulan

20 2 0
                                    

" Okay Luna, kailangan mong magpaliwanag ngayon sakin. Anong ginagawa mo sa eskwelahan na ito? Anong pakay mo sa akin?" Bulalas ko

Nasa canteen kami ngayon at kahit wala naman talaga akong pambili ay dito ko na binuksan ang cake na para sakin.

Pagkabukas ko ay may isang boteng tubig na nasa loob at isang plastic na tinidor.

Kinuha ko na ang tinidor at sisimulan ko na sanang kainin ang cake ng mapansin ko ang naka sulat sa cake.

" Happy sixteenth birthday."

Hindi ko maiwasang mapangiti. Sa buong buhay ko ngayon lang ako nagcelebrate ng birthday ko.

" Alam mo Ej, sinabi ko na sa iyo ang pakay ko. Hindi biro ang pagiging blacklisted sa treasure hunting world. Kailangan mo ng sumama sakin." Paliwanag sakin ni Luna.

Sabay kagat sa tuna sandwich na binili niya.

" Sige ipagpalagay na nga nating
totoo ang sinasabi mo. Anong mangyayari sa akin? Mamatay ba ako kung blacklisted ako sa treasure world?"

Huminga ng malalim si Luna at tila naiirita na siya sa akin. Aba panindigan niya ang pag gawa niya ng kuwento para maging close kami.

" Oo Ej. Mamatay ka. Gagamitin ka lang nila para tulungan silang hanapin iyong treasure at Pagkatapos kapag nahanap niyo na patatahimikin ka nila. Iyang medalyon na suot suot mo. Malaki ang maitutulong niyan upang mahanap ang treasure" Sagot niya sa akin.

Tinawanatawanan ko siya.

" Hahahahaha. Ang ganda ng istoryang binubuo mo. Pwede ka ng maging author." Sabi ko sabay tawa ulit.

Inirapan niya ako at pagkatapos ay tumayo siya.

" Bahala ka sa buhay mo kung ayaw mong maniwala. Balita ko pa naman may tinutulungan kang kaibigan at well kung sasama ka sa akin ngayon na upang makuha ang treasure bago pa man ito mapunta sa mga maling kamay. Maari kang bayaran ng gobyerno ng Pilipinas at pwede mo siyang iligtas." Sabi niya.

Nagitla ako ng panandalian. Papaaano niya nalaman ang tungkol Kay Regie? Luna Nuetes sino kaba talaga?

" Saglit-- " sabi ko sabay hawak sa kamay niya. Humarap siyang muli sa akin. 

At binitawan ko na ang kamay niya.

" Totoo ba talaga ang lahat ng pinagsasabi mo? Bigyan mo ako ng patunay." Sabi ko.

Bumalik siya sa upuan.

" I was hoping you would say that Mr. Del Pilar or Ej. "

Bumunot siya sa bulsa niya ng isang liham at inabot sa akin.

" This is a letter from the president of KKK. Inaanyayahan ka niyang sumapi sa aming organisasyon at makiisa sa aking layunin na pangalagaan ang kayamanan ng Pilipinas. " sabi niya sa akin.

Agad ko naman itong binuklat at binasa.

Magandang araw Ginoong Emilio Jose Del Pilar.

Una sa lahat nais kung ipabatid ang aking pagbati sa iyong ikalabing anim na kaarawan.

Marahil kung nababasa mo ang liham na ito ay hindi mo pinatay ang alaga kung gagamba kaninang umaga.

 The Treasure HunterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon