Matapos kung tinnanggap ang alok biglang umilaw ang kanang pulso ng kamay ko.
Isang puting liwanag ang bumalot sa aking paningin sa hindi malamang dahilan ay pakiramdam ko ay may nagsusulat sa aking pulsuan.
Mainit ngunit katamtaman lang. Unti unting namatay ang liwanag at doon ko napagmasdan ang marka sa aking kamay.
KKK.
" Oh shit!" Bulalas ko. Para akong mahihimatay sa aking nasaksihan.
Parang imposible ata ang aking namalas.Tiningnan ko si Luna ng nagtatanong na ekspresyon na anong nangyari?
" Bawat miyembro ng KKK ay may ganyang marka iyon nga lang ang makakakita lang nito ay ang mga miyembro ng KKK at ang mga taga Sumantunataga." Paliwanag sa akin ni Luna.
Pagkatapos noon ay ipinakita niya ang marka sa kanyang braso.
Hindi na ako nagtanong kung salamangka ba iyong nasaksihan ko. Sadyang okupado talaga ang isip ko noon sa kung papano ako mabubuhay.
" Kailangan nating pumunta sa hospital." Kalmadong sabi ni Luna.
" Bakit tinamaan ka ba?" Tanong ko sa kanya bago lumapit at inspeksyunin ang kanyang katawan pero nakatikim ako ng isang sapak.
" Huwag mo akong lalapitan! Manyak!" Sigaw niya pero agad ko rin siyang hinabol.
" Nag-aalala lang naman ako." Sabi ko sa kanya.
" Oh siya Sige huwag na natin patagalin eto. Pumunta na tayo sa hospital" sabi ni Luna.
At tuluyan na nga kaming pumunta sa hospital
............................................................." Asan ang iyong sinasabi mong
Perlas ng Silanganan?" Tanong ko Kay Luna.Nasa hospital kami ngayon at tinatahi ng mga doktor ang aming mga sugat.
Tiningnan ako ni Luna. Ni hindi man lang natitinag ang babaeng ito kahit kasalukuyang tinatanggal ang bala sa kanyang kabilang braso. Siya pa mismo ang nagsabing huwag siyang tuturukan ng anesthesia at matatagalan lang daw.
Ganoon pa man ka pansin pansin ang tingin niya sa akin na tila nayayamot.
Paano ang babaeng nurse na katabi ko ay kahit wala akong sugat patuloy paring nagpapacute sakin. Ganoon talaga gwapo ako eh.
" Hindi ko alam kung nasaan ang Perlas ng silanganan pero tatanungin ko si lolo Julian sa kung ano ang dapat nating gawin upang makapunta ka sa perlas ng silanganan " sagot niya sa akin.
Ng matapos na ang pagtatahi sa kanyang braso ay nagwika na ang doctor.
" Uhh miss anong pangalan mo? para maisyuhan na kita ng reseta"
Tumayo sa kinauupuan niya si Luna at pagkatapos nag abot ng isang bungkos ng pera sa nars at doktor.
" Walang makakaalam na nang galing ako dito at nagpagamot.Ganoon din ang kaso sa kasama ko dito." Sabay hatak ni Luna sa akin bumungisngis nalang ako sa doktor na noon ay tila nalilito sa nangyayari.
" Miss bakit ayaw mong ipaalam na nagpagamot ka dito? Wanted ka ba?" Tanong ng nars na tila nabwibwiset dahil malapit si Luna sa akin.
Shet ang gwapo ko. Partida ha? Kagagaling ko pa sa street fight at may mga bangas pa ang mukha ko. Ibang klase talaga ang kamandag ni Ej Del Pilar.
" Kung gusto niyo ay dodoblehin ko iyan manahimik lang kayo! " sabay kuha ng dalawa pang rolyo ng pera at inabot ito ni Luna sa doktor at nars.
Grabe siya oh.. Ako nagpapabugbog at kumikita lang ng Kalahati ng ibinigay niyang rolyo sa dalawa tapos siya ganoon na lang kadali para sa kanya na ibigay ito ng basta basta.
" Nagkakaintindihan ba tayo?" Tanong ni Luna.
Tumango tango nalang ang dalawang opisyales ng hospital at hinala na ako pa akyat ng rooftop ng hospital.
Pagkatapos ay nagdiall ulit siya sa kanyang cellphone.
" Hello Zed, naayos mo na ba iyong sa kalsada?" Tanong ni Luna.
Opo Boss naayos ko na.
" Eh kung ganoon paki sabi Kay Papa na ipadala ang private chopper dito sa may hospital na kinatatayuan namin. Siguro naman kaya mo kaming I track?"
No problem boss alam ko na kung nasaan kayo.
" Mabuti, kung ganoon pakisabi Kay papa na mag transfer ng pera sa
account ko para makabili ako ng bagong kotse"Halos malaglag ang eyeballs ko sa sinabi niya. Parang napakadali lang para sa kanya na bumili ng panibagong kotse! At isang private chopper?! Aba masyado naman yatang mayaman ang babaeng ito.
"at Zed! itigil mo na ang katatawag sa akin ng boss dahil kung hindi papatayin talaga kita" banta ni Luna.
Pinakinggan ko ang kabilang linya at hinihintay kung tumawa ang kausap niya pero hindi nga talaga siya nagbibiro. Seryeso siya..
Seryoso siya?!?!?!!
" Zed andiyan ka pa ba?"
Oo Sige. Hintayin mo na lang ang chopper Miss. Five minutes na lang at paparating narin iyon.
Ibinaba ni Luna ang telepono.
" pasensya na kung nagtatanong ako ha? Pero sino si Zed?"
" Si Zed ay ang isa sa mga pinakamagaling na hacker na na kilala ko at matalik ko rin siyang kaibigan. " paliwanag niya sakin.
Hindi man lang siya tumitingin sakin.
" Galit ka ba sakin Luna?" Tanong ko sa kanya.
Hinarap niya ako at tila nagpipigil ng sarili na huwag akong barilin. Nakasukbit parin ang rifle niya sa likod niya at pwedeng pwede niyang gawin iyon.
" siyempre magagalit ako! Alam mo bang andami kung memories sa kotseng iyon! Hindi ka man lang nagsorry! Pagkatapos-- "
Huminga siya ng malalim.
" Pagkatapos nakikipaglandian kapa dun sa nurse kanina habang ako naman ay nahihirapan dahil tinatahi ng doktor ang sugat ko mula sa balang sinalag ko para sa iyo at ni katiting na salamat ay wala akong narinig sa iyo!"
Nagitla ako. Ni hindi ko man lang na pansin. At nahiya ako sa aking inasal. Ang sirain ko ang kotse niya ay isang malaking pagkakamali pero hindi ko naman alam na sumalag siya ng bala para sakin.
" Pasensya kana Luna." Sabi ko.
" Haysst! Ewan ko sa iyo" sabi niya.
Tinalikuran niya ako at inirapan Pero pumunta ako sa harap niya at lumuhod ako sa harap niya." Pasensya na oh magandang binibining nagngangalang Luna Nuetes, nawa'y mapatawad mo ang aking pagkakasala sa hindi paghingi ng tawad at hindi pagpapasalamat sa ginawa mong kabutihan. Gagawin ko ang lahat mapatawad mo lang ako" Sabi ko.
Umarko ang ngiti sa kanyang maaliwalas na mukha pero kung inaasahan niyong pinatawad niya na ako ay bigla niya akong sinapok.
" Okay, hayaan mong sapukin ka kahit kailan kung gusto at papatwarin na kita. Kumbaga lagi akong may libreng sapak" Sabi niya.
" Okay" sagot ko at Hindi ako nagpatinag kahit na aaminin ko sa inyo na talagang masakit manapak si Luna.
As if on cue ay dumating na ang chopper.
At ng makalapag na ito ay tiningnan ako ni Luna ng makahulugang tingin.
" Oh ano pang hinihintay mo? Tara na!" Sambit ni Luna

BINABASA MO ANG
The Treasure Hunter
AventuraSi EJ ay isang ordinaryong binata. Ka sama niyang nakatira sa isang bubong ang kanyang tiyong lassengero at tiyang palasugal. Idagdag mo pa ang pala utos niyang pinsang babae na si Elaine. Sumasideline din ang binata sa pag iistreet fighting para s...