Oh shit.
Sobrang galing ni Luna.
Alam mo iyong parang ipinanganak siya para humawak ng baril at makipaglaban. Ganoon siya.
" Ej! Pumunta ka sa daanang hindi masyadong dinaraanan. Baka may madamay na sibilyan!" Sigaw ni Luna.
Patuloy parin ang pakikipaglaban niya.
Agad naman akong nagconcentrate sa pagmamanaho. Ipinasok ko sa isang one way road at kotse ni Luna.
At guys kung gusto niyong malaman kung paano ako natuto mag drive? Dahil isa rin sa mga sideline ko dati ang street racing pero dati lang iyon.
Pero bumalik muna tayo sa kasalukuyan patuloy parin ang putukan. May narinig akong pag sigaw sa kabilang panic. Maaring may nasugatan na sa kanila.
Haysst samantalang sa amin wala pang sugatan at sana walang masugatan..
Ngunit ng oras na iyon biglang may pumasok na bala sa loob ng kotse. Nagkaroon ng ka unting slow mo at muntik ng tumama iyong bala sa akin mabuti na lamang ay naka iwas ako. Sa awa ng Diyos ay nakaligtas ako dahil konting konti na lang talaga baka tinamaan na ako sa bungo at nalagutan na ng hininga.
Pero wala pa iyon. Patikim pa lang pala iyon dahil biglang may nakasalubong kaming truck ng basura.
Malakas ang pagbubusina at dahil tumatakbo ang kotse ng mabilis ang kotse.
Napa oooh ako dahil naangasan ako sa action scene pero binatukan ako ni Luna at bigla kong narealize na mababangga kami at nagtitili.
" aaaah mababangga tayo!" Sigaw ko.
" Kailangan nating tumalon!" Utos ni Luna at isinukbit na ang bag niya.
Ako naman ay agad na sumunod. Binuksan namin ang kotse at tumalon palabas.
Nagkaroon ng malaking pagsabog at halos tumilapon na ako sa hangin sa epekto nito. Kamuntik muntikan pa kaming masunog.
At pagkatapos noon nakarinig ako ng apat na beses na putok ng baril. Pasara sara na ang talukap ng aking mata at unti unti na ng nagdidilim ang aking paningin.
Sa mga Sandaling iyon napakaraming katanungan sa utak ko gaya ng kung sino ang tinamaan? Ayos lang ba si Luna? Kamusta naman kaya ang driver ng truck? At kung mabubuhay pa ba ako?
" Ej!!!!!!!!!!!!!" Mariin na tawag ni Luna sa aking pangalan.
Iyon ang naging dahilan upang ako'y tumayo. Doon ko nasumpungan si Luna na pilit inilalabas ang driver ng truck.
Nakabulagta narin ang mga humahabol sa amin.
" Tulungan mo ako dito Ej!"
Daglian akong lumapit Kay Luna. Wala ng malay ang driver. Pumasok ako sa loob ng truck at tinnangal ang nakaipit niyang paa sa may kambyo.
Ng matanggal ko ito ay bumaba ako sa truck at binuhat ko ang driver ng truck.
Nakasuporta rin si Luna sa driver.
Ng medyo nakalayo layo na kami ay biglang sumabog ang truck kasama ang brand new car ni Luna.
Inilapag namin ang driver ng truck sa isang lugar. Pagkatapos noon ay tiningnan ako ni Luna ng iritable.
Hindi ko siya masisisi.Ka sunod noon ay inlibas niya ang cellphone niya mula sa kanyang backpack at tumawag sa kung sino.
" Hello!"
Kamusta ang misyon boss?
" Zed, tumigil ka nga sa katatawag ng boss! Mabuti pa ihack mo na ang CCTV ng kalyeng ito. Siguraduhin niyong ayusin ang gulo dito at walang makaka alam nito. At siya nga pala magpadala ka ng mga mangagamot para gamutin iyong driver. Dapat wala siyang maalala alam mo naman iyong protocol natin--"
Opo boss! Basta ikaw. Ako na bahala.
" Oh siya sige. Bye"
Bye po boss
Ng matapos ang pakikipagtelebabad ni Luna ay tumingin muli siya sa akin.
" Wala na akong panahon para maghintay Ej. Kailangan ko na ng desisyon mo. Mas marami pa silang ipapadalang mga miyembro ng Sumantunataga. At hindi ko na iyon kakayanin. Kailangang umalis na tayo dito at pumunta sa Perlas ng Silanganan upang maging ligtas ka. Pero makakapunta ka lang doon kapag pumayag kang maging miyembro ng KKK" Paliwanag sa akin ni Luna.
" Teka paano kapag sumapi ako sa KKK hindi na ba ako makakauwi at makakapag aral?" Tanong ko.
" Oo Ej pero nandyan naman sila Professor Wayne at ang iba pang guro kaya wala kang dapat ipag alala. Ngayon bigyan mo na ako ng kasagutan Ej. Sasapi ka ba sa amin o hindi?" Iritable na ang pagkakasabi niya sa mga katagang ito na para bang sinambit niya na ito ng ilang milyong beses.
Tumayo ako mula sa aking kina uupuan at nagwika
" Hmm sa kapag sumapi ako sa KKK may kayamanan na puwede kung gamitin para ipagamot si Regie at Mas magiging ligtas ang buhay ko kapag sumapi ako sa KKK."
" So your desicion is?"
Ngumiti ako ng nakakaloko.
" Yes Luna, sinasagot na kita."

BINABASA MO ANG
The Treasure Hunter
AdventureSi EJ ay isang ordinaryong binata. Ka sama niyang nakatira sa isang bubong ang kanyang tiyong lassengero at tiyang palasugal. Idagdag mo pa ang pala utos niyang pinsang babae na si Elaine. Sumasideline din ang binata sa pag iistreet fighting para s...