~•~

28 2 0
                                    

" Oh eto, otso mil."

Napabuntong hininga ako.

" Teka parang hindi naman po ata patas iyan. May usapan po tayo. Ayon sa kasunduan ay sampung libo ang ibabayad ninyo sa akin."

Nagkamot ng ulo ang bumbai.

" eh siyempre may porsiyento ako. Kahit man lang 20%. Gusto mo pautangin na lang kita. "

" Five six po ba iyan?" Tanong ko.

" Oo"

" Ay naku huwag na lang po. Ala akong tiwala diyan. Sige ho mauna na ako." Sabi ko.

Sabay lakad paalis.

" Mag-iingat ka iho ha?" Paalala sakin ng bumbai.

" Salamat po!"

Paglabas ko ng establisyemento ay nagsimula na akong umakyat pataas para puntahan si Regie.

Pag kaakyat ko sa taas ay nagsisimula ng sumikat ang araw. Kahit iniinda ko ang sakit ng bugbog mabilis ko paring linundag ang mga bubong patungo sa bahay nila Regie.

Oo bahay. Wala kasing sapat na kita ang Lola niya pampa ospital at tanging sa tulong ko lang umaasa ang bata. Ganunpaman walang tigil sa paglapit ang matanda sa munisipyo ngunit no hi ni ho ni hindi man lang tumulong.

Mga walang hiyang politiko! Magaling lang kapag eleksyon!

" Kuya EJ! Ang aga aga lukot nanaman ang mukha mo. Daig mo pa ang pitbull diyan oh! Bumaba ka muna dito at may ibibigay ako sa iyong isa pang regalo." Sigaw ni Regie.

Hindi ko maiwasang mapangiti.
Nagsimula na akong bumaba patungo kay Regie.

Hay, Tandang tanda ko pa noong una kaming nagkita. Dinekwat niya ang wallet ko sa jeep at hinabol ko siya.

Bigla tuloy akong napangisi na parang asong ulol.

" Huy Kuya EJ bakit ka ganyan makangiti sa Lola ko. Ayiee crush mo no." Asar sakin ni Regie.

Agad ko namang binatukan ang bata.

" Gago! Huwag mo akong ibugaw lay Lola. Parehas natin iyang Lola mahiya ka nga." Sermon ko

" Hehehe joke lang naman Kuya Ej."

Nagtawanan kaming dalawa. Sa bawat paghalakhak ng kaibigan kung si Regie ay nakakaramdam ako ng ka unting pagkirot sa puso. Paano na lang kaya kapag nawala ang batang ito sa buhay ko baka mabaliw ako sa lungkot.

" Gago ka!" Sigaw ko. Tumutulo na ang luha sa mga mata ko.

" Uy Lola si Kuya Ej tatawa tapos iiyak baka kailangan na niyang pumunta sa mental." Asar ni Regie.

Agad namang lumapit sa amin si Lola na noon ay busy sa pagtitimpla ng kape.

" Nako Regieboy pumasok ka muna sa loob at mag-uusap kami ng masinsinan." Utos ni Lola Maming.

Sinunod naman ni Regie ang utos ni Lola Maming.

" Ej, mukha kang tortang talong! Bakit puro galos ang mukha mo? Nakipag street fighting ka nanaman?" Tanong ng matanda sabay konyat sakin.

 The Treasure HunterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon