Chapter 1

113 1 3
                                        

Huli na nang mapansin ni Gabbie ang pulang Mercedes-Benz na nakahinto sa kanang bahagi ng kalsada. Alam nyang wala na rin saysay ang pagtapak nya sa preno ng luma nyang pickup truck, kaya mariin na lamang nyang ipinikit ang mga mata bago ang collision.

Bahagya lamang syang naitulak paharap dala ng impact ng banggaan ng dalawang sasakyan. Salamat  sa seatbelt at sa mabilis nyang reflexes, hindi sya tuluyang namatay o napahamak sa aksidente. Pero hindi sya sigurado kung kasing swerte nya ang nabangga nyang sasakyan. Dahan-dahan nyang binuksan ang mga mata. Una ang kaliwa at saglit nyang sinilip ang senaryong sa harap nya. Binuksan nya sa wakas ang kanan nyang mata nang mapansin nyang dumarami na ang miron - mga estudyante ng unibersidad na iyon at mangilan-ngilang propesor - sa paligid at doon nya nakumpirma ang hinala.

Halos mapanganga at lumuwa ang mga mata ni Gabbie nang makita ang lagay ng mamahaling sasakyan na nabangga nya. Wasak ang likod na bahagi nito at noon ay nakaramdam sya ng takot. Anong nangyari sa driver nito? Paano kung may sakay ito sa backseat? Nakapatay na ba sya ng tao? Nanginginig nyang kinagat ang kuko na nakasanayan na nyang gawin sa tuwing ninenerbyos sya o hindi nya alam ang gagawin.

"Oh my God," nausal nya. "Oh my God, Gabbie. What have you done?"

Isang lalaki ang biglang iniluwa ng makapal na mga taong nakiki-usyoso sa nangyaring aksidente sa loob pa mismo ng campus. Nakita ni Gabbie ang pamumutla ng lalaki - sa hula nya ay ito ang may-ari ng Mercedes base sa reaksyon nito. Noon nya naintindihan kung bakit sinasabing "nabunutan ng tinik sa lalamunan." At least, wala palang sakay ang kotseng nabunggo nya. At least, wala syang napatay na tao dahil sa pagiging clumsy nya.

Sa tingin nya ay isa ring estudyante ang may-ari ng sasakyan base sa suot nitong halatang mamahaling maong na pantalon at t-shirt at sa makinis nitong balat na madalas mapansin ni Gabbie sa mga estudyante ng eskwelahang iyon. Oo, kahit ang mga lalaki sa unibersidad na iyon ay kutis porselana, pero may mangilan-ngilan ding Pilipino ang kulay at sa totoo lang mas gusto nya iyon. Mas gusto nya 'yun moreno. Pero naintindihan nya na kahit yung mga natural na brown ang kulay ay biglang pumupusyaw dahil bihira silang magbabad sa ilalalim ng araw. Laging naka-aircon ang mga estudyante ng Xavier University. Sa kotse, sa classrooms, sa mga bahay nila, sa gimmick-an. Palibhasa mga anak-mayaman. Anak ng abogado, senador, congressman, artista, negosyante - yan ang schoolmates ni Gabbie. At sa araw-araw na pumapasok sya sa eswelahang iyon lagi nyang naiisip na hindi sya nababagay doon.

Ang lugar na iyon ay para lamang sa mga dugong bughaw. Sa mga royalties. At sya, bilang isang hamak na anak ng isang government employee o "commoner" kung tawagin, alam nyang wala syang karapatang manatili doon dahil hindi nya sila kauri.

Kaya naman sa apat na taon nyang pamamalagi sa eskwelahang iyon, pinilit niyang magtago, maging invisible and in a way, naging successful naman sya. Wala ngang halos nakapansin sa kanya sa lugar na iyon sa loob ng apat na taon. Wala syang halos kaibigan at kakilala bukod sa mga classmates nyang paminsan-minsan ay kinakausap sya. Siguro ay dahil magaling syang magtago at mag blend sa paligid nya na parang isang chameleon (pero mas gusto nyang isiping sya si Mystique sa X-Men). O siguro dahil hindi naman talaga pag aaksayahan ng mga estudyante dito ang isang nobody na gaya nya. Nagpanggap syang hindi nag-e-exist, at ang schoolmates naman nya ay iniisip na hindi talaga sya nag-e-exist. Madali lang iyon, dahil mas "interesting" naman ang bagong nail art ni Clarisse Fuentebella (na napansin ni Gabbie ay nandoon na rin sa accident scene sa mga oras na iyon) kaysa sa isang Gabrielle o Gabbie Mendoza. However, at the back of her mind, Gabbie had always known this is going to happen - that the day will come when she will expose herself to everybody in that campus. At iyon ang lubos nyang kinatatakutan dahil sa totoo lang, hindi naman talaga sya si Mystique. Wala syang superhuman abilities o kahit yung master strategist skills para lusutan ang gusot na gaya nito. Isa lang syang ordinaryong babae na gustong maka-graduate at iwanan ang eskwelahang ito as soon as possible.

This Thing Called LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon