Hindi maiwasan ni Chris na mapangiti nang makita nyang magkahawak kamay sina Luke at Gabbie nang pumasok ang mga ito sa toy store. Nilingon nya si Angela, na noo’y nasa likod ng counter, at nakita nyang nasiyahan din ito sa nakita.
"Mukhang effective 'yung plano mo," sabi nito sa kanya.
"Oh, you know me," pagyayabang nya dito.
"Sana lang hindi lang ang kambal mo ang may happy-ending.”
“Anong ibig mong sabihin?”
“Ikaw ang tinutukoy ko, Chris.”
Kumunot ang noo nya. "Ako? I'm happy, Angela."
"Chris...” hindi naituloy ni Angela ang sasabihin dahil nasa harap na nila si Luke at Gabbie. Ibinaling ni Chris ang atensyon sa mga bagong dating.
"Hi, Gabbie!"
"Hi," nahihiyang sagot sa kanya ni Gabbie habang hinihila ang kamay nito mula kay Luke. Mukhang wala namang balak bitiwan ng kambal nya ang mga kamay ni Gabbie at nakita nya pang nakangiti ito habang pinapanood si Gabbie. Narinig ni Chris na bahagyang tumawa si Angela sa likod nya.
He's clearly and so obviously taken by her, naisip ni Chris habang pinagmamasdan ang kapatid nya.
"So, what have you guys been doing?" tanong nya. "Sabi ni Angela pumunta ka daw sa condo ni Luke, Gabbie."
"Ha? Uh..."
"Yeah. Galing kami doon," si Luke ang sumagot. "Ikaw, Chris? What are you doing here?"
"I was planning to check up on Gabbie but it seems that her hands are full so..."
"Yes, it is. As you can see," itinaas pa ni Luke ang magkahawak nilang kamay ni Gabbie, dahilan para lalong mamula ang mukha ng dalaga.
Napangiti si Chris. This is really new to him - his twin being too playful and possesive on a girl.
"Anyway, mauna na ako," sabi nya na nakatingin kay Luke. "May pupuntahan pa din ako e. I'll see you next time, Gabbie?"
Tumango ito. "Yeah. Ingat ka."
He nodded to Angela and started getting to the door. Bago sya makarating doon ay narinig nyang tinawag sya ni Luke. "By the way, Chris. Ginamit mo ba ang phone ko kaninang umaga?"
Hinarap nya ang kapatid at umarteng inosente. "Hindi. Why would I?" kinindatan nya si Angela bago lumabas ng store.
Sa labas, huminto si Chris sa tapat ng kotse nya. It felt good to have played the Cupid. It felt good to watch as two people fall in love. Pero what Chris would have wanted that very moment is to share the story of what he did for his twin with someone. Naalala nya ang sinabi ni Angela sa kanya at bigla ay napunta kay Jenna ang isip nya.
He missed talking with her and not for the first time since she asked for space, he considered calling her. Dinukot nya ang cellphone sa pantalon nya. Matagal nyang tinitigan ang pangalan ni Jenna sa phonebook bago tuluyang pinindot ang call button.
She picked up on the fifth ring.
"Hello?" narinig nya ang magandang boses ni Jenna sa kabilang linya.
"Hi. How are you?"
"Chris..." she sighed.
"I know. You're busy. I just wanted to say Hi. And, I miss you..."
Ilang segundong tumahimik ang linya at ibababa na sana nya ang telepono sa pag aakalang naputol ang tawag nang marinig nya uli si Jenna magsalita. "Do you wanna get some coffee?"
Ngumiti sya. "Sure. I'd love to."
Sa loob ng toy store, nahirapan si Gabbie na kumalas sa mahigpit na hawak ni Luke sa mga kamay nya. Not that she doesn't want to hold hands with him kaya lang ay nahihiya sya sa mga kasama nya sa trabaho na kanina pa nya napapansin na panay ang bulungan at hagikhikan. She was sure they were talking about her. Or them.
Oh, hell.
Dahil hindi na nya matiis ang mga matang nakatingin sa kanya at mukhang wala namang balak si Luke na bitiwan ang kamay nya, hinila nya na lang ito papunta sa employee's room para kausapin. Nang marating nila ang kwarto, huminto si Luke at hinila sya palapit dito. His hands were on her waists, drawing her close and all the while he was grinning down at her.
Nakalimutan nya kung bakit nya hinila doon si Luke. Ang tanging malinaw lang sa kanya habang nakayakap sa bewang nya si Luke at nakatingin sya sa mga mata nito, ay ang malakas ng kabog ng puso nya. Nararamdaman nya iyon kahit sa likod ng tenga nya.
May problema yata ako sa puso. Hindi na normal ang heartbeat ko.
Ipinatong nya ang mga kamay sa dibdib ni Luke. Napangiti sya nang matuklasang hindi lang pala sya ang parang katatapos lang tumakbo sa Olympic track and field base sa heartbeat ni Luke.
So I have that effect on him, too?
"What is it? Bakit ka ngumingiti?" tanong ni Luke sa kanya.
"Wala," pagsisinungaling nya.
He rested his forehead on hers and muttered, "We've got works to do."
Tumango sya. "We really need to get out of this room before Angela and the rest suspect anything."
Bahagyang tumawa si Luke. "I think they already suspect something. Pero tama ka. We have to get out of here."
"Hmmm..."
"Damn. I wish we could just shut the world out and live here," sabi pa ni Luke.
"Sa employee's room?" she chuckled.
"Ayaw mo ba?"
Nag isip si Gabbie sandali. Then, she decided the truth won't hurt.
"Hindi. Gusto ko," sagot nya. That made him smile.
Napapakit si Gabbie nang halikan sya ni Luke sa kanyang noo. Pagkatapos nun, binitiwan sya nito at walang lingun-lingon na lumabas ng kwarto.
Inabot pa ng ilang sandali matapos makaalis si Luke at naiwang mag isa si Gabbie sa employee's room bago bumalik sa normal ang emosyon nya. Hindi maintindihan ni Gabbie kung bakit ganun ka tindi ang epekto sa kanya ni Luke. It was as if he sucks the air out of the room by his mere presence, at bukod pa 'yan sa ginagawa nito sa puso nya. He could easily make her pulse jump just by looking at her.
Nagsimula syang magbihis nang kumalma sya. Ngunit habang sinusuot nya ang uniform, hindi nya napigilan ang isip nyang maglakbay. Napangiti na lang sya nang maalala ang nangyari nang umagang iyon sa unit ni Luke. Humarap sya sa salamin sa dingding at hindi nya maiwasang mapansin ang kakaibang "sparkle" sa mga mata nya. Tinampal-tampal nya ang dalawang pisngi para maalis ang nakakainis na ngiti sa mukha nya. But truth be told, she liked that grin and how her face seemed to be glowing.
Dumako sa mga labi nya ang kanyang atensyon. She touched her lips and she vividly remembered how Luke's lips tasted on hers. It was her first kiss at bigla syang nag alala nang maisip na ang unang nakahalik sa kanya ay hindi nya naman boyfriend.
To think Tyrone broke up with me because I chose to stand up for my principles and refused to kiss him. That made me boring for him.
Napaisip si Gabbie kung bakit nya ginawa iyon - ang halikan si Luke. He was already pulling away and her rational side was telling her the right thing to do was push him. So why did she kissed him instead? Does she like him that much to push thoughts of her principles and kiss a guy who's not even her boyfriend? Hindi alam ni Gabbie kung anong sagot sa tanong na iyon. Ang tanging alam nya lang ay si Luke ang nag umpisa ng halik na 'yun. At sa tingin nya, posibleng ang ibig sabihin nun ay gusto rin sya nito.
![](https://img.wattpad.com/cover/8039014-288-k110174.jpg)
BINABASA MO ANG
This Thing Called Love
Teen FictionMatapos ang aksidente ng Mommy nya tatlong taon ang nakararaan, nagbago na ang pananaw ni Gabbie Mendoza sa mga mayayaman. Para sa kanya, lahat ng mayayaman ay mapagmataas, mayabang, matapobre at walang ibang mahalaga sa mga ito kundi pera. Ngunit s...