Chapter 11

33 1 0
                                        

Naabutan ni Luke si Chris na nanonood ng basketball game sa TV pag uwi nya sya sa condo. Nilapag nya ang dalang pizza sa center table saka umupo sa bakanteng couch at nanood ng TV.

“San ka galing?” tanong sa kanya ni Chris.

Hindi nya ito sinagot, sa halip binuksan nya ang box ng pizza tsaka kumain. Hindi pa sya naghapunan dahil napasarap na naman ang kwentuhan nila ni Gabbie sa park tapos ay inihatid nya pa ito sa bahay nito… o malapit sa bahay nito dahil hanggang ngayon alangan pa rin si Gabbie na magpahatid hanggang sa mismong tapat ng bahay nila.

“Galing ako sa store mo kanina,” sabi ni Chris. “Nagtataka lang ako kasi hindi ko maabutan si Gabbie doon. Sinabi mo ba talaga sa kanya yung bilin ko?”

Tumango sya. “Oo,” pero ang totoo, hindi nya sinabi kay Gabbie na ibinilin ni Chris na hintayin sya nito bago pumasok sa eskwela. Gusto kasi ni Chris na makasabay si Gabbie mag-lunch.  Halos dalawang linggo na nang ibilin ni Chris iyon sa kanya. Pero nung araw na balak ngang bumisita ng kakambal nya sa store para makita si Gabbie, sa halip na sabihin nya ang mensahe ni Chris para dito ay niyaya nya itong sumabay sa kanyang mananghalian. Nagpatuloy ‘yun hanggang sa mga sandaling iyon at kaya walang naabutang Gabbie si Chris sa store kapag dumadaan ito doon ay dahil kasama ni Gabbie si Luke. Nakukunsensya man si Luke na niloloko nya ang kakambal nya, naniniwala syang ginagawa nya lang ang tama. Hindi pwedeng wala syang gawin lalo na balak ni Chris na gamitin lang si Gabbie para makalimutan nito si Jenna.

“Are you sure?” dudang tanong ni Chris sa kanya.

Tumango sya pero hindi nya inalis ang mga mata nya sa TV, baka kasi kapag tumingin sya kay Chris mabisto syang nagsisinungaling.

“Kung sinabi mo talaga sa kanya, bakit hindi ko sya mahagilap sa store mo? Hindi pa rin sya tumatawag sa akin hanggang ngayon.”

“Baka ayaw sayo,” sagot ni Luke. “Alam mo, wag mo  na kasing pilitin ‘yung tao. She obviously doesn’t like you.”

Kumunot ang noo ni Chris. “You know very well that I’m not someone who backs up so easily. Kung ayaw nya akong tawagan, ako ang tatawag sa kanya,” kinuha nito ang cellphone sa bulsa. “Pahingi ng number nya.”

“Wala akong number nya.”

“Sinong niloko mo?”

“Wala nga.”

“Give me her number, Luke.”

“Wala.”

Tumahimik sila pareho. Maya-maya, nagsalita uli si Chris. “I know what you’re doing. Una, nilipat mo sya sa store mo. Tapos, hindi mo nire-rely yung message ko sa kanya. Ngayon naman, ayaw mong ma-contact ko sya.”

“I have no idea what you’re talking about.”

“You suck at lying, Luke.”

“I’m not lying.”

“Iniiwas mo si Gabbie sa akin.” Hindi sumagot si Luke sa sinabing iyon ng kakambal nya, nagpatuloy lang sya sa pagkain ng pizza at panonood ng TV.

“Bakit, bro? Lumambot na ba ‘yang heart of stone mo at ayaw mong makasakit ng tao?” nakangising tanong ni Chris sa kanya. “O baka naman, gusto mo na rin si Gabbie?”

Natigilan si Luke sa tanong na ‘yun. Sinabi na nya noon na hindi ang gaya ni Gabbie ang tipo nyang babae, pero bakit nga ba concern sya masyado dito? Habang tumatagal at mas nakikilala nya si Gabbie, lalo lang syang nagiging determinado na lakihan ang distansya sa pagitan ni Chris at Gabbie. He cannot let his brother hurt her. She doesn’t deserve it. Isa pa, what if mahulog nga ang loob nila sa isa’t isa kapag hinayaan nya ang dalawa? Can he handle it?

This Thing Called LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon