"Ano 'yun?" Hinarap ni Chris si Luke nang marinig nya itong nagtanong. Kaaalis lang ni Gabbie noon.
"None of your business," nakangiting sagot nya dito.
"I don't like that smile, Chris."
Nagkibit-balikat si Chris. "You never liked anything."
Naupo sya sa couch at binuksan ang TV. "I like her," kapagkaran ay sabi nya. He twisted on his seat until he's looking at Luke who seemed to have been rooted on the ground because of what he said. "She's pretty."
"What? Wala pang isang buwan simula nung mag break kayo, biglang nakalimutan mo na si Jenna? Dahil lang kay Gabrielle?"
Chris frowned at him, "Hindi nila-lang si Gabbie, bro. She's pretty and smart. Exactly my type." Nang marinig iyon ay nilapitan ni Luke ang kapatid.
"Hindi mo sya gusto, Chris. You're still hang up on Jenna. You can't possibly fall in love with another girl at kalimutan na lang si Jenna overnight."
"Wala naman akong sinabing mahal ko si Gabbie. What I said was I like her. I might fall in love with her in the future," nag-isip sya. "Or I might not. Pero ano sa tingin mo, bro? Di ba magandang distraction si Gabbie habang nagmo-move on ako kay Jenna?"
"Baliw ka ba? Hindi mo ba naisip na unfair 'yun kay Gabbie? Gagamitin mo lang yung tao?" iritang sagot ni Luke sa kanya.
"When did you start caring about other people's feelings? Di ba ikaw 'yung notorious cold-hearted Saavedra?"
Walang maisagot si Luke sa tanong na 'yon. Kelan nga ba sya nagsimulang magkaroon ng pakialam sa mundo at sa ibang tao? Normally, pababayaan nya lang si Chris ano man ang gustong gawin nito. Pero makita nya lang sa isip nya si Gabbie at kung paano ito tumingin sakanya kanina habang kausap nya ito, nakatulala na paraang na-starstruck sa kanya na sa totoo lang ay ikinatuwa nya - she could look at him like that forever, just as long as she let him stare at her the same way - alam nya na hindi nya pwedeng hayaan itong mapaglaruan lang o magamit ng kambal nya.
"Bro, wag kang mag-alala. Akong bahala dyan kay Gabbie. Tsaka di ba galit ka sa kanya? Pinahihirapan mo nga ng todo. Ito ang best way para makaganti sa pagsuntok nya sayo tsaka sa pagsira nya ng kotse mo."
"Wag mo syang pakikialaman, Chris. I'll deal with her," yun lang at iniwan na nya ang kambal sa salas.
Nakangising pinanood ni Chris si Luke lumabas ng unit. May alam syang hindi pa alam ng kambal nya, at hindi nya mapigilang ma-excite sa mga mangyayari pa.
Hindi naman pala magiging boring 'tong pag-stay ko dito. Pakiramdam ko mag isa akong nakaupo sa sinehan para sa special screening ng isang phenomenal movie at ako ang unang unang makakapanood nun. Mas exciting pa 'to sa G.I Joe.
Linggo nang indahin ni Gabbie ang consequences ng paglalaba ng dalawang araw, pagpipintura at saka pagbitbit ng pagkalaki-laking painting. Hindi sya halos makabangon sa higaan nya sa sakit ng buong katawan nya.
Ngayon alam ko na ang pakiramdam ng construction workers at ni Pacquiao pag nagpapabugbog sya sa mga Mexicano.
May kumatok sa pinto ng kwarto nya.
"Gabbie."
Shit, si Daddy!
"Gabbie. Gumising kana. Magsisimba pa tayo."
"Saglit lang, Daddy. Bababa na ho ako." Narinig nya ang yabag ng Daddy nya na pababa ng hagdan. Nagpagulung-gulong sya sa kama hanggang sa makabwelo sya para tumayo. Naiiyak sya sa sakit ng katawan nya pero pinilit nyang maglakad. Kumuha sya ng damit sa aparador at hinila ang tuwalya na nakasabit sa gilid ng bintana, saka ika-ikang lumabas ng kwarto.
"Anong nangyari sayo?" bungad sa kanya ng Daddy nya. Inaayos nito ang lamesa para sa almusal nang pumasok si Gabbie sa kusina.
"Bakit ho?" maang nyang tanong habang pinipilit na ituwid ang pagtayo.
"Ika-ika ka kasing maglakad. Saan ka ba talaga galing kahapon? Hindi ka naman umaalis kapag Sabado ha?"
Hala ka. Iba pa yata ang iniisip ni Daddy.
Nginitian nya ito sa pagbabakasakaling mapatahimik ang loob nito. "Napaparanoid na naman kayo, Dad. Maliligo muna po ako."
Hindi alam ni Gabbie kung nakasama ang paliligo nya kahit ang sakit ng buong katawan nya o nakabuti pero kanina pang almusal ay wala na syang maramdaman. Maganda iyon dahil wala na syang maramdamang sakit o pangangalay pero nag-aalala sya na baka bigla naman syang magkasakit dahil dito. Pakiramdam nya kasi ang kalmang nararamdaman nya ay pansamantala lang. Parang yung kalma ng alon kapag may paparating na bagyo. Ganunpaman, pinilit nyang maging masigla sa harap ng Daddy nya.
Pagkatapos nilang mag almusal ay dumiretso na sila sa simbahan. Tungkol sa pagsasabi ng totoo ang homily ng pari at nakunsensya sya dahil pakiramdam nya pinaparinggan sya ni Lord. Mag iisang linggo na rin kasi nyang niloloko ang Daddy nya. Kaya lang, para sakanya naman 'yun tsaka hindi naman masama yung ginagawa nya. Inaayos nya lang ang problema nya. Ang masama lang sa ginagawa nya ay nilalagay nya sa alanganin ang puso nya.
Mahigit apat na taon na rin simula nung unang beses syang ma-inlove. Nakalimutan na nya kung anong pakiramdam nun. Na may taong nag-i-inspire sa kanya, na nagpapabilis ng tibok ng puso nya. Hindi nya masabi kung pareho 'yun ng nararamdaman nya ngayon kay Luke. Aminado syang attracted sya sa lalaking 'yun pero hindi nya masiguro kung pag-ibig na ba iyon. Ang tanong nga ay kung marunong pa syang magmahal?
Simula nung makipag break sakanya si Tyrone, nawalan na sya ng gana sa mga lalaki. Bukod dun, wala naman syang halos kakilala sa eskwelahang pinapasukan nya ngayong college. E di ba nga nagka-camouflage sya sa paligid kaya paano naman sya makakakilala ng ibang lalaki. At isa pa, galit nga sya sa mayayaman di ba? Hindi sya pwedeng magkarelasyon sa kung sino mang mayaman.
Pagkatapos ng misa ay dumiretso sila ng Daddy nya sa puntod ng Mommy nya. Gaya ng laging ginagawa ng Daddy nya linggo-linggo pag bumibisita sila doon ay makailang beses nitong hinaplos ang lapida ng kanyang ina na para bang mukha ng Mommy nya ang nahahawakan ng Daddy nya. Hindi ito nagsasalita. Hindi nito kinakausap ang Mommy nya gaya ng ginagawa ng iba. Tahimik lang ito habang nakatitig sa lupa kung saan inilibing ang asawa. Maya-maya pa, pupunasan nito ang gilid ng dalawang mata saka yayayain na syang umuwi.
Habang naglalakad sila paalis sa sementeryong iyon, habang ang kanyang ama ay nakaakbay sa kanya at sya naman ay nakahawak sa bewang nito hindi maiwasan ni Gabbie na manalangin na kung sakali mang magmahal pa sya, sana gaya ng pag-ibig ng mga magulang nya ang maranasan nya. Yung pag-ibig na tinatawag nilang "wagas" dahil kahit gaano na sila katanda o kahit nauna nang mamaalam ang isa, nananatili yung pag-ibig na 'yun at nagiging inspirasyon para sa mga taong gaya nya.

BINABASA MO ANG
This Thing Called Love
Teen FictionMatapos ang aksidente ng Mommy nya tatlong taon ang nakararaan, nagbago na ang pananaw ni Gabbie Mendoza sa mga mayayaman. Para sa kanya, lahat ng mayayaman ay mapagmataas, mayabang, matapobre at walang ibang mahalaga sa mga ito kundi pera. Ngunit s...